Chapter 24
Kai"Papa?" naguguluhang tawag ni Kayla.
"Mama sino po sa kanila si Papa?" inosenteng tanong ni Kai dahilan para mag katitigan kami ng triplets.
"Anak mahirap pa kasing i explain ngayon kasi bata pa kayo at hindi niyo maiintindihan pero...Silang tatlo ang Papa niyo"
Mas lalong naguluhan ang mga mata nila.
"Tatlo po ang Papa namin Mama?" May halong saya na ang mukha ni Kayla.
"Yes kaming tatlo ang Papa niyo" Napalingon ang lahat kay Callum.
Agad nag tayuan ang mga bata at nag sugudan ng yakap sa mga ito.
Si Kalil ay yumakap kay Corey, Si Kai ay yumakap kay Cullen at Si Kayla kay Callum.
Napa takip ako sa bibig habang humihikbi ng makita ang mag aama ko.
Binuhat nila ang mga batang naka yakap sa leeg nila at umiiyak bago tumayo sa pag kakaupo. Ibinuka ni Callum ang braso niya para yakapin din ako.
"P-Papa wag na po kayo aalis" humahagulgol si Kayla ang balikat ni Callum.
"Hindi na anak, Hindi na kami aalis" hinimas himas niya ang likod ng bata at ganon din ang ginawa nila Cullen at Corey.
Pinakalma muna namin ang tatlo bago pumasok ng bahay. Malalaki ang ngiti sa labi ni Tita ng makita kaming pumasok at kalong kalong ng Triplet ang mga bata.
Nilapitan ko si Tita sa kusina.
"Thank you Hija" seryosong pasasalamat ni Tita. Nginitian ko lang siya ng malaki.
"Tulungan ko na po kayo" kinuha ko ang mga pingan na hawak niya at tinulungan siyang mag hain sa lamesa habang ang mag aama'y nasa salas.
Tinulungan ko na si Tita mag luto ng tanghalian namin.
Nang matapos ay pinuntahan ko na ang mag aama sa salas. Nakita kong naka upo ang mga ito sa sahig at nag lalaro sila ng kotse kotsehan pero si Corey at Kayla ay naka dapa at nag kukulay.
"Kakain na" tawag ko at tsaka sila nag si tayuan at sumunod sa dining table.
Inupo ko isa isa ang mga bata at ipinag hila naman ako ng upuan ni Cullen sa tabi ng mga ito.
Kukunin ko na sana ang kanin para salinan ang mga bata ng naunahan ako ni Corey.
"Ako na Sweetie" at tsaka niya nilagyan ang mga bata.
"Thank you Daddy" dinig ko sabi ng mga bata.
"Mama doon lang po kami" tinuro ni Kai ang likuran ng bahay.
"Ok basta wag malapit sa may pool. Doon lang kayo sa may grass ha"
"Yes Mama" at tsaka sila nag takbuhang mag kakapatid papunta doon.
Bigla namang may yumakap sa likod ko kaya't napatingin ako doon.
"Hmmm" Si Cullen ang yumakap ay hinalikan ang batok ko.
"Thank you Baby" ipinaharap niya ako sa kaniya at hinalikan ako sa labi.
Inaya ako nito sa Island nila para mag kape kasama sila Tita. Nag tanong tanong lang sila tungkol sa pag bubuntis ko sa triplets. Medjo mahirap pero nandyan naman sila Mama at Gio.
"Saan mo ba pinaglihi ang mga bata?"
"Nako sa manga po Tita"
"Talaga? Actually ako din sa manga k-" naputol ang sasabihin ni Tita ng madinig namin ang malakas na sigaw ng mga bata.
"Mama! Papa!" nag tatatakbo si Kayla papasok sa loob ng bahay.
Agad nag tayuan ang triplets para lapitan ito.
"Papa s-si Kuya Kai" umiiyak na sabi ni Kayla habang tinuturo kung saan sila nag lalaro.
Binuhat ni Callum si Kayla at naag takbuhan naman kami papalabas.
"Shit!" sigaw nina Cullen at Corey na unang nakalabas.
"Kai!" dali dali akong lumapit dito. Nasa tabi siya na pool at walang malay na dumudugo ang ulo.
"Kalil anong nangyari?" tanong ko kay kalil na nakatayo sa tabi ni Kai.
"Mama we're just playing po t-tapos nag takbo po si Kai dito nadulas po siya" humihikbi din nitong ani.
"Fuck" sapo sapo ni Cullen ang uli ni Kai at tsaka binuhat.
Lahat kami'y naka sunod sa kanila
"Anak amina muna si Kayla susunod kami doon" sabi ni Tita kaya mabilis na inabot ni Callum si Kayla dito.
Naiwan sina Tita,Tito at ang dalawa pang bata sa bahay.
Pumasok si Callum sa driver seat,Si Corey sa Passenger seat at kami ni Cullen sa likuran.
Nakapatong sa ulo ni Kai sa mga hita nito. Hawak hawak ko lang ang kamay nito habang umiiyak sa kaba.
"Calm down baby magiging ok din si Kai ha" hinawakan din ni Cullen ang kamay kong naka hawak kay Kai dahil naginginig yon sa kaba.
Nang makadating kami'y agad ibinaba ni Cullen si Kai at sinalubong naman sila ng mga nurse.
Agad dinala ng mga nurse ito sa isang kwarto at naiwan kami sa labas.
Iyak ako ng iyak sa balikat ni Callum hanggang sa dumating na sila Tita kasama ang dalawang bata.
"Mama" nag takbuhan ang dalawa sa amin at agad ko itong mga niyakap.
"Mama si Kuya?" namumula ang ilong na tanong ni Kayla.
"Anak ginagamot na si Kuya wag ka ng mag alala" si Corey ang sumagot dito.
Kinandong ni Corey si Kayla at si Kalil kay Cullen.
"Bella stop crying. Tama na babe magiging ok din si Kai ha?"
Ilang oras pa ay lumabas na ang doctor at sinabing maayos na ang lagay ni Kai. Kailangan lang mag pahinga nito.
Sila Tita at Tito'y umuwi muna saglit sa bahay para daw kumuha ng damit. Sina Kalil at Kayla'y inihiga na nila sa mahabang sofa dahil nakatulog na ang mga ito.
"Pahinga ka na muna Sweetie" hinalikan ni Corey ang noo ko.
FOLLOW,COMMENT&VOTE
BINABASA MO ANG
Montemayor Series #1: The Triplets Obsession
RomanceMontemayor #1 Montemayor Triplets