Chapter 15
Triplets"Mama look! May three stars po ako" tumatakbong sabi ni Kalil
"Ako din ako din Mama kasi tama po mga sagot ko sa exam" pag sunod din ni Kai
Ipinag mamalaki sa akin ng mga anak ko ang kanilang mga stars sa kamay habang hawak hawak ang mga test paper nila.
Kinuha ko iyon at nakita kong pareho silang perfect sa mga exam nila.
"Wow ang gagaling naman ng mga anak ko. Nay premyo kayo sa akin ha" pinang gigilan ko pa ang mga pisnge nito at tsaka hinalik halikan.
Nabaling ang atensyo ko sa nakatayo sa likod ng mga ito. Si Kayla ang pinaka bunso sa kanilang tatlo.
"Anak" tawag ko dito dahil malungkot itong naka yuko habang hawak hawak ang papel niya.
Nag angat ito ng tingin sa akin at nakita kong namumula ang ka kaniyang matangos na ilong.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin at inabot ang test paper niya.
Nakita ko namang medjo mababa ang nakuha nitong grado.
"I'm sorry Mama" nakanguso siya habang may tumutulong luha sa pisnge niya.
"Anak it's ok ha. I'm so proud of you" pinahid ko ang luha niya bago siya hinalikan.
"H-Hindi po kayo galit Mama?" tanong niya habang humihikbi.
"Hindi anak. You did your best and happy na si Mama don ha" inayos ko ang nag kalat niya buhok.
"Let's go na ibibili kayo ni Mama ng toys" Agad naman nag tatalon sila Kalil at Kai.
"P-Pati po ako kahit hindi po mataas ang grades ko?" tanong ni Kayla.
"Oo naman anak,pati ikaw ibibili ko kayo ng madaming toys ha" Ngumit siya ng malaki sa akin.
"Don't worry Kayla tuturuan ka nalang namin ni Kai" niyakap pa si Kayla ng mga kuya niya.
Napaka cute talaga nila.
Anim na taon na simula ng ipag buntis ko ang mga ito. Takang taka pa kami noong una ni mama kung bakit napaka laki ng tiyan ko kahit iilang buwan pala yoon pala'y tatlo sila. Si Kalil ang panganay,Si Kai ang pangalawa at Si Kayla ang bunsong babae.
Lahat sila'y kamukha ng mga tatay nila pero si Kayla lang ang naka kula ng kulay lilang mata ng mga ito. Ang mga mata nila Kalil at Kai ay sa akin nakuha.
Sa America ko sila ipinanganak at ilang taon din kaming nanirahan doon. Pero nitong naka raang buwan lang ay kinakailangan namin bumalik dito sa pilipinas dahil nag ka sakit si Tito Alex.
Hindi naman nag hiwalay sila Mama at Tito at naiintindihan naman ni Tito na sa America kami tumira ni Mama. Lagi din naman kaming binibisita nito doon pero bigla naming nalaman na nag ka sakit siya.
Si Luella ay nasa isang mental hospital. Naikwento sa akin ni Mama na napag alamang may sakit pala sa utak si Luella kaya napag disesyonan ni Tito na ipasok ito doon. Lagi naman siyang binibisita ni Tito pwera nalang ngayong nasa ospital na siya.
Sa loob ng ilang buwang nandito kami sa pilipinas ay hindi ko pa naman nakikita kahit isa sa triplets o ang magulang man ng mga ito.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nakita ako ng mga ito lalo na ang mga anak ko.
Minsan narin natanong ng mga bata ang tungkol sa tatay nila. Ang sinabi ko nalang ay nasa malayo ito at nag tatrabaho para sa kanila. Kahit na hindi kami ok ay ayokong sirain ang mga ito sa mga anak namin.
BINABASA MO ANG
Montemayor Series #1: The Triplets Obsession
RomansaMontemayor #1 Montemayor Triplets