Chapter 14

77.5K 1.4K 801
                                    




Chapter 14
Hospital


"Ang kapal ng mukha mong mag pakita pa dito!" sigaw agad sa akin ni Luella ng makapasok kami ni Mama sa kwarto niya.

"Luella" agad na saway ng tatay nito sa kaniya.

"Dad siya ang nag tulak sa akin. Yang babaeng yan!" Itinuturo pa ako nito.

Naka tayo sa tabi ng kama nito ang tatlo pati nadin sila Tita. Malalamig ang mga titig nito sa akin.

Si Mama naman ay naka hawak lang sa braso ko.

"Sigurado kang anak ko ang may gawa niyan" taas kilay na tanong ni Mama dito kaya mas lalong lumukot ang mukha ni Luella.

"Oo dahil siya lang naman ang kasama ko doon. Mag babaniyo lang din sana ako ng bigla niyang hilahin ang buhok ko at itilulak sa hagdan" peke pa itong umiyak at yumakap sa tatay niya.

"Sinungaling ka. Ikaw ang unang humablot sa akin at ikaw din ang nag hulog sa sarili mo!" nangigigil na ako sa galit dahil sa mga kasinungalingan ng babaeng to.

"Ano ko tanga para ihulog nalang basta ang sarili ko? Kasalanan mo to!" nag pipilit pa itong tumayo sa kama pero pinigilan siya ng tatay niya.

"Why don't you check the cameras?" naka tingin na ngayon si Mama kayla tita.

"Nakita kong may Camera kayo sa taas ng hagdan hindi ba? Bakit hindi niyo tignan"

"No! Tita hindi ba kayo naniniwala sa akin?" Agad na sabat ni Luella at nakatingin kay Tita Elspeth.

"She's right. Let's check the CCTV." pag sang ayon ni Tita.

Kitang kita ko naman ang pamumutla ni Luella at pilit na tumatayo sa kama niya.

Inilabas ni Gov ang cellphone niya dahil doon daw naka konekta ang kanilang mga camera.

Agad nilang tinignan ang nangyari kanina at napatakip ang kamay ni Tita sa bibig niya ng makitang si Luella mismo ang nag hulog sa sarili niya.

"No! No! Hindi totoo yan! Kasalanan mo to!" Nag pipilit na siyang tumayo para lapitan ako pero mahipit nsiyang hinawakan ng tatay niya.

"Luella! Ano ba kumalma ka" Suway nito sa anak.

"No. No dad akin sila! Akin sila!" Agad siyang humarap sa triplets. "Kinasal tayo diba? Dad kinasala kami" agad kumunot ang noo ng lahat sa pinag sasabi ni Luella.

"Lue anong pinag sasabi mo? anong kasal?" naguguluhang tanong ni Cullen.

"Kinasal kami! Kinasal kami Dad. Mang aagaw ka!" tinanga ni Luella ang suwero niya at tsaka tumayo para lapitan ako pero agad siyang na harangan ng tatlo.

Lumabas si Tita Elspeth para tumawag ng mga nurse at agad namang may sumunod sa kaniya.

May itinurok ang mga ito kay Luella kaya kumalma ito at nakatulog. Ibinalik nila ito sa kama at inihiga doon.

"Bella" nabaling ang tingin ko kay Callum na papalapit na sa akin at akmang hahawakan ako ng hilahin ako ni Mama sa likod niya.

"Wag niyong hawakan ang anak ko" malamig nitong ani kay Callum.

"Tita" nangungusap ang mga mata nito.

"No. Pag tapos niyong hindi paniwalaan ang anak ko at mga pinag sasabi niyo"

"Lily we can talk about this. Please we're sorry" napatingin sa akin si Tita "Hija...We're so sorry" Ramdam ko ang sensiridad sa boses ni Tita.

"Simula ngayon wag niyo ng lalapitan ang anak ko. Tama na ang nadasan niyang sakit wag niyo ng dagdagan pa!"Sabi ni Mama sa mga ito at tsaka ako hinila papalabas ng kwarto.

"Tita please. Baby" hinabol pa kami ni Cullen sa labas ng kwarto.

Nag dare daretsyo lang kami ni Mama palabas ng ospital at papasok na sana ng kotse niya ng bigla akong makamdam ng matinding pag kahilo. Umikot ang paningin ko at tsaka unti unting itong nag dilim.

"Ara!" sigaw ni Mama ang huli kong nadinig.










"M-Ma?" tawag ko kay mama ng magising ako sa isang hospital room.

"Anak. May nararamdaman ka pa ba?" Nag aalala ang mga mata nito at hinaplos haplos ang kamay ko.

"Wala po ma...Ano pong nangyari?"

Matagal na tumitigig si mama sa akin bago ako sinagot.

"Anak...Buntis ka" naiiyak nitong sabi.

B-Buntis ako...

Agad akong niyakap ni Mama at napa hahulgol ako sa balikat nito.

"Shhh tahan na anak...Tahan na makakasama yan sa bata ha"

"M-Ma natatakot ako" bulong ko sa kaniya habang pinapakalma padin niya ako.

"Wag kang mag alala nandito lang si Mama ha. Hinding hindi na kita iiwan" hinalikan ni Mama ang noo ko at tsaka ulit pinahiga sa kama para pag pahingahin.








"Tita please hayaan niyo na ho kami maka usap si Bella"

"Tita ano hong nangyari sa kaniya?"

"Sweetie please talk to us"

Boses ng triplets ang gumising sa akin. Nakikita ko sila sa maliit na salamin ng pinto. Nasa labas sila at pilit na pinipigilan ni Mama.

"Umalis na kayo at baka magising pa ang anak ko" galit na ani ni Mama.

Nakita kong Sumilip sa glass ng pinto si Cullen.

"I love you" He mouthed me bago sila umalis mag kakapatid.







FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Montemayor Series #1: The Triplets Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon