Chapter 12

78.4K 1.3K 243
                                    



Chapter 12
Birthday




Nakahiga ako sa kama at hindi lumalabas ng kwarto dahil sa sobrang pag ka irita. Simula ng dumating yang Luella na yan ay  hindi ko na masyadong nakakasama ang triplets. Lagi itong mag kakasama at tuwing tinatawag ko ang tatlo ay puro sila "Saglit" or "Wait lang"

Pero naalala ko ang sabi ni Tita.Huwag akong papayag na maagaw sakin ng babaeng yong ang mga boyfriend ko.

Pinatay ko ang Tv at tsaka lumabas ng kwarto para hanapin ang tatlo.

Nadinig ko ang mga boses nito sa kwartong pinag tutuluyan ni Luella. Naka awang ng kaunti ang pintuan nito kaya sinipil ko iyon.

"Callum!" sigaw nito kay Callum at hinampas pa ang braso. Akala ko ay normal na pag hampas lang iyon pero nag tagal ang kamay niya don at hinimas himas pa.

Nakita kong naka upo sila sa sahig habang naka harap sa malaking Tv. May mga hawak itong remote control at nag lalaro ng games.

"Ang daya niyo naman eh" nakangusong sabi ni Luella sa tatlo dahil natalo siya.

"Come on Lue it's just a game. Isang round pa" natatawang ani ni Corey.

Napairap ako sa hangin at tsaka nag dadabog na bumalik sa kwarto ko. Ni hindi pa nga nila ako pinapansin ngayong araw tapos yun ang makikita ko? Akala ko ba'y ako ang girlfriend nila?

Hmp!

Nahiga nalang ako sa kama at pinilit sa sariling makatulog upanv makalimutan ang nakita.









"Cullen pwede niyo ba akong samahan bukas sa mall? May gusto sana akong bilhing libro" Nakayakap ako sa likod nito. Nakita ko kasi siyang nandito sa terrace at naka tingin sa mga bituin habang umiinok ng kape.

Humarap siya sa akin bago sumagot.

"I'm sorry baby nag promise kami kay Lue na sasamahan namin siya bukas bumili ng damit para sa birthday ni mama sa isang araw. Meron ka nanaman diba? Binili ka na ni Mama"

Bumagsak ang balikat ko at nawala ang mga ngiti sa labi dahil sa isinagot niya. Napa iwas din agad ako ng tingin ng mag simulang uminit ang gilid ng mata ko.

Luella

Si Luella nanaman....

"O-Ok lang" pilit akong ngumiti dito. Mukang napansin naman niya iyon kaya't hinawakan niya ako sa kamay.

"Baby. I'm sorry i promise babawi kaming tatlo sayo ha" hinaplos niya ang pisnge ko at hinalikan ako sa labi.

"O-Ok lang talaga C-Cullen" pinilit kong hindi mabasag ang boses ko pero nabigo ako.

Napatitig ito sa mukha ko ng marinig iyon.

"Bab-"

"Mauna na ako inaantok na din ako eh" binigyan ko ulit siya ng pilit na ngiti at mabilis na nag lakad papalayo dahil nararamdaman ko ng tutulo ang luha ko.

Nadinig ko pa ang mga tawag nito sa akin pero hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ang pag lalakad papasok ng kwarto.

Pabagsak akong dumapa sa kama at isinubsob ang mukha sa unan. Umiyak ako ng umiyak doon hanggang sa makatulog.









"Oh pak ang ganda" sabi ng baklang nag memake up sa akin ng iharap niya ako sa isang salamin na maraming ilaw sa tabi.

Inilapit ko ang sarili doon para suriin ang sarili. Grabe kahit ako'y hindi ko makilala ang sarili ko dahil sa mga koloreteng nasa mukha ko. Makintab ang inilagay nito sa mata at pisnge ko.

Montemayor Series #1: The Triplets Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon