CHAPTER 14

53.2K 2.2K 1.6K
                                    

Psych's POV

"Mine!" Malakas na sigaw ko at dinigpass ang bola papunta kay CJ. Nandito ako ngayon sa back line at si July na ngayon ang nasa front line.

Agad na sinet ni CJ ang bola at sabay na tumalon si July at Six para lituhin ang kupunan ni Atlas.

CJ quickly set it to Six na opposite ni Leaves na nasa back line na rin at nakapwesto sa gitna for follow up.

Agad na pinalo ni Six  ang bola dahil 'yung dalawang blockers ay sumama kay July.

Hinabol ito ng libero ng kabila for pancake save, pero hindi rin ito naabutan dahil sa bilis ng bola ni Six.

We are in Set number 4. Nakuha nila Atlas ang set number 2 kanina at nakabawi kami sa set number 3. 18-17 ang score which in favor of my team.

Umikot ikot kami sa loob ng court sabay hiyaw at high five sa isa't isa dahil naka score si Six.

Lahat kami ay pagod na at binubuhos na ang buong lakas para tapusin na ang set na 'to.

7 points away for the anticipating championship title.

Pumunta sa service line si Margaux at pinatalbog talbog ang bola sa sahig.

Ang lakas na ng chants ng school namin at hindi na magkarinigan sa sobrang ingay ng tao sa loob ng Arena.

Tumingin ako sa parents ko at nakitang todo cheer sila sa pagsigaw sa pangalan ko at may pa banner pa.

Margaux toss the ball and spike it. Masyadong pasubol ang serve n'ya kaya hindi ito nasalo ng maayos ng libero nila kaya nakascore kami.

"Service ace for Collins." Sabi ng announcer na at mas dumagungdong ang mga drums and water bottle na hinahampas na nila sa railings.

Anim nalang. Anim na puntos para sa kampyon na hinahangad naming lahat.

Muling bumalik si Margaux sa service line at tumalon talon pa. Masyado na kaming nahhype dahil sa ingay at lakas ng kalaban.

We expected this. Atlas' team is really strong when it comes to defense and spiking.

Nagserve muli si Margaux, and this time, nasalo ito ni Atlas na nasa likod din. She received the ball perfectly and pass it to their setter.

July immediately positioned herself sa harap ng net at nagabang ng palo para iblock.

Sumabay si July sa talon ng kateam ni Atlas at agad na binlock ang bola. Tumalbog sa kamay ni July ang bola, agad na sinalo ito ni Fuentes at pinasa agad kay Cj at nakaquick agad si Six dahil hindi pa nakakabalik sa pwesto n'ya si July.

Nasalo ito ng libero nila na mukhang abang na abang sa quick ni Six at agad na dinigpass ni Atlas papunta sa kasama n'ya at pinalo.

Hindi ito naabutan ni Fuentes kaya nakalusot sila.

19-18 na ang score. Mula kaninang set 1, hindi lumalaki ang pagitan ng score namin.

Nagpatuloy ang laban namin na ni isa saamin ay walang pinapakitang pagkahina sa mukha. Lahat ay pursigidong makapuntos at manalo.

Palo rito, takbo roon. Roll dito, dive doon. Yan ang ginagawa ng bawat kupunan sa kagustuhang mahabol ang bola.

23-23 na ang score, sobrang higpit ng laban na lalong nagpahype sa mga taong nanonood.

Grabe na rin ang pawis na tumatagaktak sa mukha ko. Napatingin ako kay July at Leaves na kapwa hinihingal na kagaya ko.

Nilipat ko ang tingin ko sa court side area ng bleachers at biglang nanghinaan ako ng loob noong hindi ko makita ang babaeng akala ko nanonood pa ng laban ko.

Collided Souls (TeacherxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon