CHAPTER 45

64.6K 2.2K 3K
                                    

Psych's POV

Hindi magkamayaw ang pagsigaw ng mga tao sa loob ng Arena ngayon. Sobrang init na ng laban at lahat kami ay pagod na kakatakbo, talon, palo at salo ng mga malalakas na hampas ng kabilang kupunan.

"Now serving, Kairi Hashirooo!" Malakas na paganunsyo ng announcer.

I positioned myself na kung saan madali kong mahuhuli ang bola niya. She's a strong and sharp server kaya dapat alam namin kung saan pupwesto.

Narinig ko ang pagpito ng referee at indikasyon para tutukan ko ang malakas na pagserve ni Hashiro.

Pagtunog ng hampas ng bola, lahat kami ay kusang gumalaw upang saluhin ito. Napunta sa direks'yon ko ang malakas na pagserve nito kaya nasalo ko ito at maayos na naibigay kay Priss na ngayon ay sumenyas kay Amber na hanutin ito ng quick sa tres.

Priss create a combination play na nagpalito sa mga Hapones. Sabay kasing tumalon si Amber at Marsey na nasa harapan at inakala nilang si Marsey ang tatapos ng bola.

Pagbagsak ng bola sa sahig, malakas na sigawan agad ang bumungad sa tenga ko. Hindi na magkarinigan sa lakas ng paghiyaw ng mga tao at mga kapwa ko Pilipino na nanonood sa mainit na labanang ito.

Biglang tumawag ng time-out ang Japan kaya nakahinga ako ng maluwag. Sobrang basa na ko ng pawis at pagod na rin ako.

"Priss, mas lalo natin silang lituhin, bigyan mo ng bola si Rid sa likod. Tapos, ikaw Rid, paluin mo na ng down the line yan para di na sila makapalag pa. Samantalahin natin na nasa likod si Hashiro para sa mga puntos na dapat nating makuha." Mahabang pahayag ni Coach sa amin at tanging tango lamang ang naisukli ko sakan'ya matapos lumagok ng tubig na inabot ni Coach Aiver sa akin.

"Lila, coverage, okay? And guys, follow ups. H'wag na natin silang bigyan pa ng chansa na makahawak ng momentum. This is our game, okay?" Medyo desperado pero kalmadong saad ni Coach.

"Yes, coach." Hinihingal na sagot ni Lila.

Nasa ikaapat na set na kami ngayon, at masaya ako na kami ang may advantage. We won the first 2 sets kaya mas may chansa kaming manalo pag 'di na namin ito pinalampas.

We are already giddy to win dahil 23-21 na 'yung score at nasa side namin ang abanse. Sobrang init at dikit ng labanan na halos mawala na ko sa katinuan sa sobrang pagod.

Napadpad ang mga mata ko sa mga taong kanina pa kontodo ang supporta sa amin. Unang una ko napansin na si Leaves ay grabe ang paghawak sa manggas ni July na ngayon ay parehong lukot ang damit at mukha nito, habang si Ame naman ay pumapalakpak lang at walang pake sa dalawa. Hindi ko naman maiwasan ang matawa sa itsura ni July.

Sunod na napako ang mata ko sa mga magulang ko na, hindi ko akalaing makikita ko ngayon dito. They really good at surprising me.

Panghuli at sa babaeng namumula na ang mukha at pati leeg sa kadahilanang hindi ko alam if grabe ba ang sigaw nito kanina o ano. Ang babaeng labis na nagpagimbal sa sistema ko bago magsimula ang laban.

Does she really love me? Or baka mali 'yung pagbasa ko kanina? Baka naghahallucinate lang ako dahil sa adrenaline rush na nararamdaman ko kanina.

I hitched my breath the moment her eyes met mine. Hindi ko masabi kung ano ba ang mga nasa mata nito, pero sigurado akong nagniningning ang mga ito, dala ng ilaw at sa hindi ko malamang emos'yon.

Atlas dodged me towards her kaya napunta ang paningin ko sakan'ya.

"Mamaya na 'yang staring contest. Tapusin na muna natin 'to ang laro, ha? Maya na ang landi, Norte." May panunuksong sabi n'ya bago ako hilahin papunta sa loob ng court.

Collided Souls (TeacherxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon