CHAPTER 23

55.3K 1.9K 900
                                    

Psych's POV

"Hoy, ano ba? Dalian n'yo! Aalis na tayo, eh, ambabagal n'yo." 'Yan ang kanina pang sigaw ni Leaves sa mga kasamahan namin na ang kukupad kumilos.

Nandito kami ngayon sa bus at pupunta kaming Palawan for a 3 day trip. This is also one of our leisure time after the game. Pa bonus 'to ng school dahil sa hardwork na ibinigay namin.

"Tangina, ambabagal nila. Excited na 'kong maging mermaid mamaya." Kakamot ulong sabi n'ya habang nakabusangot ang mukhang umupo sa tabi ko.

"Hayaan mo na. Maaga pa naman, eh. Tingnan mo 'yang mukha mo. Di na maipinta." Pangaasar ko pa sakan'ya. Mukhang excited kasi talaga s'ya maligo.

We're excused sa mga classes namin since Friday naman ngayon at napatyempo na bukas at sa makalawa, eh, weekends. Tamang tama para magbakasyon.

I also need this break. It's been 2 weeks since 'di kami nagpapansinan at tanging sa klase lang ang pagkakataon na magkita at magusap kami. If it's not school related, hindi kami naguusap.

I decided to avoid her dahil ayoko namang magkaissue pa if ipipilit ko ang gusto ko, sa ngayon. Time will come na sisiguraduhin kong saakin pa rin s'ya babagsak. Pero, hindi ngayon.

"Captain! Ikaw nga ang tumawag sakanila. Alas sais na ng umaga. Ilang oras pa ang byahe. Puro paganda kasi, mga leche!" Napipikang sabi nanaman ni Leaves. Walang katapusan ang kuda sa mga teammates namin na hindi man lang ito pinapansin.

Tumayo na ako para matapos na ang kalbaryo n'ya sa paghihintay. Nandito kami sa school, sa labas ng Gym ang meeting place namin. Kaya mayro'ng mga estudyante ang napapadaan saamin at napapatingin.

Pumasok ako sa Gym at pinuntahan ang mga teammates ko na abala sa pagaayos ng mga gamit nila. Bakit kasi hindi pa nila inayos sa mga bahay nila?

"Girls, please, double time. We're running out of time." Sabi ko sakanila at nakita ko namang binilisan nila ang mga kilos nila.

"Capt. Give us 5, we'll be done here." CJ shouted na nasa entrance ng cr. Tumango nalang ako sakan'ya at umalis na.

Umakyat na 'ko ng bus at umupo sa tabi ni Leaves na nakabusangon pa rin.

"Capt., ayusin mo nga 'yang mukha ni Dahon, nakakabadtrip ang itsura, eh." Sabi saakin ni July na may ngising nakapaskil sa mga labi.

Lalong sumama ang mukha ni Leaves sa narinig at tumayo. Nasa unahan kasi namin sila July at katabi nito si Margaux.

"Hoy, Hulyo! Kung wala ka rin namang sasabihin na may silbi, pwede bang tumahimik ka?" Singhal ni Leaves kay July na tinawanan lang ng huli.

Muli itong umupo sa tabi ko at bumusangot pang pinagkrus ang mga kamay sa dibdib n'ya at masamang tiningnan ang likod ng inuupuan ni July.

Napailing nalang ako sa walang katapusang away at asaran nila. Tumingin ako bintana at nakita ang mga teammates kong nagmamadaling tumatakbo papunta sa bus namin.

Isa isa silang umakyat at naghanap ng pwesto sa likuran namin. Nasa pangalawang seat kami mula sa pinto. Kaya nasa harap kami ni Dahon.

"Finally! Dumating din kayo." Sabi ni Dahon at napapalakpak pa.

Tinawanan lang s'ya ng iba naming teammates at ang siste, nakangiti na. Parang kanina lang, eh, lukot na lukot ang mukha.

"Okay, tutal nandito naman na ang lahat, manalangin muna tayo bago tayo umalis at bumyahe." Ani ni Coach at sabay sabay kaming yumuko lahat at nagdasal.

Matapos ang ilang segundong pagdadasal, sinabi ni coach na magenjoy raw kami sa byahe at 'wag munang isipin ang mga problema namin.

Bago makalabas ng school premises ang bus, nahagip ng mata ko ang isang bulto na nakatayo malapit sa parking lot at nakatanaw sa papalayong bus namin.

Collided Souls (TeacherxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon