Psych's POV
It's Sunday and it's our last day here in Palawan. I never thought that this vacation will put in a situation na hindi ko ineexpect. Never in my entire life I imagined myself courting a woman. Dapat ako 'yung nililigawan, hindi ako 'yung nanliligaw.
But life is really full of surprises. We expect the things that comes unexpectedly. Hindi natin hawak ang mga bagay na gusto nating mangyari. It'll come along and surprise you like a bomb.
Nakangiti ako ngayong naglalakad papunta sa function hall dahil ang ganda ng gising ko. Si Leaves at July naman ay tulog pa dahil sa kalasingan nila kagabi.
Nauna akong umuwi sakanila dahil after naming magpakabasa sa ulan at maligo sa dagat, hinatid ko na rin ito at umuwi. Pero 'yung dalawa naman, madaling araw na nakauwi dahil mukhang nagkasiyahan ata sila sa party.
"Ganda ng gising natin, ah." Sabi saakin ni coach na may ngiti sa labi.
"Oo nga, coach. Ang sarap mabuhay. Ang sarap dito, coach, 'no?" Sabi ko rin sakan'ya na may malaking ngiti sa labi ko.
"Ikaw talagang bata ka. Mana ka talaga sa tatay mo." Sabi n'ya sabay gulo ng buhok ko. Tumawa lang kaming dalawa dahil alam kong mana talaga ako sa tatay ko.
Inaya ako nito sa isang mesa at sinabing sabay na raw kaming kumain ng breakfast. Kinukwento nanaman nito ang storya nila ni daddy noong kabataan pa sila.
"Alam mo ba, na 'yang daddy mo? Napakatorpe n'yan. Nahihiya pang ligawan ang mommy mo dati." Natatawang kwento n'ya saakin at ako naman, nakitawa na rin sakan'ya.
"I never imagined that the great Python Lerson, eh, magiging torpe dahil lang sa isang babae." Pagpatuloy pa n'ya sa pagkkwento. Hindi iyon nakwento saakin ni daddy. Mukhang nahiya ata na natorpe s'ya kay mommy.
"Ridgette is really a beautiful and wonderful woman. No wonder your dad seems so smitten by your mom." He said and look at me. Makikita mo talaga na masaya ang naging pagsasama nila noon.
"Tito, what is dad's way of courtship?" Biglang tanong ko sakan'ya na ikinangisi n'ya.
"Your dad is a very old fashion man. Dinaan n'ya ang mommy mo sa mga tula at panghaharana n'ya. He loves sending poems and roses to your mom." Nakangiti nitong kwento saakin habang inaalala ang panliligaw ni dad. I'm pretty sure, s'ya ang kasa-kasama ni dad habang nanliligaw ito kay mommy.
Napatango tango ako sa naging sagot ni coach saakin. I love daddy's way. Manang mana nga talaga ako sakan'ya. Napatawa ako ng mahina dahil sa naisip ko.
"Bakit mo nga pala naitanong, anak? May liligawan ka ba?" Tanong nito saakin na may kasamang panunukso.
Natawa ako dahil tama talaga s'ya pero, hindi ko na muna sasabihin dahil baka magsumbong 'to sa mga magulang ko. Umiling ako sakan'ya habang tumatawa pa rin.
"Wala, coach, ah. Ako dapat ang nililigawan." Natatawang sabi ko pa sakan'ya sabay flip pa ng buhok ko palikod.
"Haynako, bata ka. Kumain kana nga d'yan at magenjoy na." Sabi n'ya saakin at ginulo nanaman ang nananahimik buhok ko.
Masaya akong nageenjoy sa pagkain ko noong may biglang bumatok saakin. Tangina. Hinarap ko ang taong nambatok saakin at hinampas ng pagkalakas lakas sa hita. Dahil nakaupo ako at nakatayo s'ya, napahiyaw ito sa hampas ko sakan'ya.
"Putangina, Psycho. Mukha ba akong bola, ha?" Reklamo ni Leaves saakim habang hinihimas ang nasaktang hita.
"Eh, bakit? Mukha rin ba akong bola para hampasin mo sa batok?" Pasinghal ko ring sabi sakan'ya. Tumawa ito ng mahina at kinakamot na ang hita.
BINABASA MO ANG
Collided Souls (TeacherxStudent)
RomanceLINE AVERY ALEJANDRO, 27 year old. A new Professor in North High University. A respectable and professional teacher. Despite of her aloof and cold hearted persona, her enticing facade can captivates everyone's eyes with admiration. RID PSYCH LERSON...