Hello, everyone.
Happy 2 MILLION READS!
It's been a long time since my last update sa story ni Rye, but I am here, giving y'all a little gift. Hope everyone is enjoying their Holidays. Lovelots!❤
Ps. This special chapter will be the last chapter of Collided Souls.
___
Habol hininga akong nagpunas ng pawis sa noo habang naglalakad papunta sa service line.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago pinatalbog ang bola sa sahig. I can't let them win, dahil baka doble ang pagkatalo ko kapag natalo kami rito.
"Come on!" Sigaw ng kalaban namin.
Tumingin ako kay Leaves at July na nasa magkabilaang gilid bago pumito si Leaves para magserve ako.
Ngumisi muna ako bago hinagis ang bola sa ere at sinerve ito ng hindi kalakasan.
"Mine!" A high pitch tone exclaimed as she received the ball, pero sa kamalas malasan, sa kabilang side napunta ang bola dahil sa may kalakasan nitong pinatama sa mga braso n'ya.
"Ano ba naman 'yan, bum! Irereceive mo na nga lang ng maayos, eh." Pikon na usal ni Atlas sa asawa nitong si Aury na inirapan lamang s'ya bago iniwan sa court para uminom ng tubig.
"Momma, it's just one point. You're unbelievable!" Maarteng sagot nang batang nasa ilalim ng net at inirapan pa ang ina nito bago inayos ang knee pads n'ya.
"Anong unbelievable? Honey, we're 5 points behind your tita Psych. Nakapusta ako ng limang libo rito." Kunot noong sagot ni Atlas sa anak.
"What?! You bet five thousand pesos for this? You're really unbelievable, bum!" Hindi makapaniwalang sabi ni Aury kay Atlas na ngayon ay parang tuta.
"Exactly, mom!" Pagsulsol pa ni Audry.
Narinig kong humagikhik ang anak kong nasa ilalim din ng net at katabi si Audry. She's wearing a jersey, too. Naka-knee pads din s'ya at nakaheadband na Nike, parehas ng mommy n'yang nakatayo sa tabi ko.
We're watching the Salgado fight over the 5 thousand bet.
Nandito kami ngayon sa Clubhouse ng subdivision namin. At bumisita nga ito ang pamilya ni Atlas sa bahay para makipagpustahan sa akin na labanan ang pamilya n'ya sa volleyball.
They arrived ready and prepared earlier na ikinagimbal ng asawa ko. Who would've thought that Line Avery Alejandro-Lerson will play volleyball?
She's too soft for volleyball. Pero, ang ikinataka ko rin, kung paano napapayag ni Atlas si Aury na magjersey at maglaro.
She's really unbelievable!
"I really wonder why your friend stays with Aury. She's so maldita." Bulong ng asawa ko.
Tumawa ako ng mahina at tumingin sa asawa kong nakataas na ang kilay.
"What?" Maldita nitong tanong sa akin.
"Really? Coming from you, eh?" May ngisi sa labi kong tanong sakan'ya.
She just hissed and shook her head in disbelief.
"But you know what, love, I wonder why I stayed too." Matapos kong sabihin 'yon, agad akong nagdasal at nagtawag ng isang daang santo para salbahin ang sarili ko ngayon. Dahil alam kong bubuga na ang dragon.
"What did you say, Miss Lerson?!" She asked furiously sabay kurot sa tagiliran ko.
Impit akong napasigaw at napahinga ng malalim bago kami awatin ni Leaves at July.
BINABASA MO ANG
Collided Souls (TeacherxStudent)
RomanceLINE AVERY ALEJANDRO, 27 year old. A new Professor in North High University. A respectable and professional teacher. Despite of her aloof and cold hearted persona, her enticing facade can captivates everyone's eyes with admiration. RID PSYCH LERSON...