Kumusta Ka Na?

0 2 0
                                    

Kumusta ka na?
Sana nasa mabuti kang kalagayan at masaya.
Ilang buwan na ba?
simula no'ng iniwan mo 'kong walang dahilan at umaasa na ika' y babalik pa.

Bakit gan'to?
Pinipilit kong burahin ka sa puso't isip ko
Pero andaming nagpapaalala sa mga alaala ko sayo.

Hanggang kailan pa?
Hanggang kailan ka pa mananatili sa puso't isipan ko ha?
Hanggang kailan titigil ang daloy ng alaala sa tuwing may nakikita o nababasa akong konektado o may pagkakatulad sayo sa t'wina?

Pinipilit kong burahin ang lahat
Mga alaala at feelings ko sayo na patuloy na nagbibigay sa'kin ng malalim na sugat.
Kasi alam ko na kailanman di ka na babalik pa
At kailanman 'di mo na ako mamahalin pero teka Minahal mo ba akong talaga o sadyang nag assume lang ang katulad kong tanga?

Masakit sapagkat sinanay mo 'ko sa presensya mo
At hanggang ngayon ikaw pa rin ang laman nitong puso ko
Oo ikaw pa rin simula no'ng nagustuhan kita hanggang sa Iwan mo 'kong nag-iisa at ngayon sa t'wina.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon