Nariyan Para Sayo

0 1 0
                                    

Maraming pagbabago
Iba't ibang emosyong nakatago
Nakakalito ang mundo
Sapagkat hindi mo mawari kung ano ang totoo.

Minsan, umaasa tayo sa pinapakita ng tao
Kasi para nga namang totoo
Pero habang tumatagal ang panahon
Unti-unti mong napagtatanto
Nadala ka lang pala ng emosyon mo.

Maraming katanungan ang nabuo sa isipan mo
Pero ni isang sagot wala kang natamo
Minsan, maiiyak ka na lang sa sakit na nakakubli sa iyong puso
At mapapasabing "hindi ko naman deserve 'to, pero ba't nararanasan ko?"

Wala nga namang makapagsasabi kung ano deserve mo sa hindi
Kung anong dapat mong gawin kesa ang magmukmok na tila'y sawi
Kasi nasaktan ka
At parang ang hirap para sayong bumangon sa t'wina.

Pero alam mo ba?
Sa tuwing akala mo wala ng katapusan ang iyong mga dinadala,
Sa tuwing ika'y nadadala ng pighati't problema,
May isang taong nananalangin at dinadalangin na sana'y ika'y makalaya na.
Makalaya sa problema na akala mo'y wala ng solusyon pa,
Makalaya sa sakit na akala mo'y pinapatay ka,
Makalaya sa maling pag-iisip na ika'y pinagkaitan ng mundo sa tuwina
At higit sa lahat ang makalaya sa kaisipang "ako'y nag-iisa lang, walang nandyan para masandalan."

Kasi ang totoo?
May taong nandyan para damayan ka sa lahat ng 'to
Para ika'y damayan at pangitiin ng totoo
Isang taong di mo man pansin, pero lihim na nagmamahal sayo
Kasi, nakapokus ka sa sakit na nagdudulot ng pait sa'yong puso.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon