Minahal kita ng totoo
Pinahalagahan kita ng todo
Na kahit ako'y maloko
Sayo ako'y nagseryoso.Ginawa ko ang lahat
Para sayo maging sapat
Lahat ipinagtapat
Para iyong matanggap.
Subalit hindi ko mawari
Kung saan ako nagkamali
At yung dating ngiti sa iyong labi
Naglaho at napalitan ng pagkukunwari.Pagkukunwari na ako'y mahal mo
Na ika'y masaya sa piling ko
Pero ang totoo
Lahat ay naglaho at bigla nalang nagbago.Nakakapanghinayang
Samahan natin na puno ng pagmamahalan
Puno ng lambingan
At punong puno ng kasiyahan
At isang araw ang mga ito'y tuluyan na tayong nilisan.Alam kong wala akong pagkukulang
Pagmamahal ko'y pinaramdam sayo ng lubusan
Subalit kahit anong pilit ko
Kahit anong gawin ko
Ikaw at ako
Ay hanggang dito nalang at ang pangarap na hanggang dulo
Kailanman ma'y di na magkakatotoo.