Huling araw ng Agosto
Mga naramdaman ko'y halo-halo
Hindi na alam kung saan patungo
Mga nararamdaman kong hindi ko alam kung karapat-dapat pang damhin o kailangan ng isuko.Huling araw ng buwan
Kasabay ng pag-agos ng ulan
Sinasabayan ang patak ng aking mga luha
Na patuloy na umaagos sa aking mukha.Andaling sabihing "kaya ko pa"
Andaling magpanggap na "oks lang ako, wag kang mag-alala"
Andaling ngumiti sa harap ng madla
Subalit ang hirap tumawa habang umiiyak ka.Gusto kong ipaalam lahat ng sakit na aking dinaramdam
Sakit na mismong ikaw ang dahilan
Sakit na di ko alam kung kailan lilisan
Sakit na hindi ko alam kung ba't sakin iyong pinaramdam.Gusto kong mawalan ng pakealam
Pero naalala ko hindi pala ako ganyan
Ayos lang masaktan
Basta sa huli nasabi at naparamdam ang dapat iparamdam.