Noong una kitang makilala
Nasabi ko sa sarili ko na ikaw na
Ang taong gusto kong makita
At makasama sa tuwina.Sa bawat oras na ako'y tinatanong mo
Tungkol sa mga bagay sa aking mundo
Hindi mo lang alam
Ako'y kinikilig ng todo.Sa simpleng pangungumusta mo
Tila tumatalon ang aking puso
At parang kinikiliti ang tiyan ko
Na parang nagsasabi sila'y boto sa'yo.Gusto kong itanggi
Mga nararamdaman kong 'di masabi-sabi
At ipagsawalang bahala ang lahat ng 'to
Upang' di masaktan ang mahina kong puso.Subalit puso ko'y parang bata
Napakakulit at nais ipagpilitang makuha
Ang mga bagay na siyang nagpapasaya
At nagbibigay ngiti sa aking mga mata.Kaya sa halip na ipagtabuyan
Ang mga nararamdaman kong ikaw ang dahilan
Ito'y tatanggapin na lang
At hinhintayin na iyo ring maramdaman
Ang pagmamahal na kaytagal nang laman
Ng aking puso't isipan.Subalit kung di mo man masuklian
Ang pagmamahal ko na sa'yo inilaan
Sa aki'y sabihin mo lang
Ito'y tatanggapin ng buong puso
Sisikaping kalimutan
At ibabaon sa ilalim ng kalupaan
Ang laman ng aking puso na ako lang ang nakakaalam.