Mananatili

0 1 0
                                    

Masakit isipin na akoy iba
Na Hindi ako nabibilang sa kanila
Na Hindi ako nababagay sa kanila
Na kahit suyuin ko man sila
Mararamdaman at mararamdaman kong mag-isa  lang akong talaga.

Ginawa ko ang lahat
Pero hindi pa pala sapat
Sinubukan kong 'wag maghanap
Sinubukan kong alisin ang nararamdaman kong hindi  dapat
Hangang sa ginawa ko na lang ay ang magpanggap,
Na kahit kanino ayokong  ipagtapat.

Subalit sa tuwing nakakasama ko sila,
Sa tuwing nagkakatuwaan sila,
Sa tuwing nagkukwentuhan sila,
Hindi ko maiwasan at mapigilan,
Mga tanong sa aking isipan,
Na pilit kong hinahanapan ng mga kasagutan,
Kung kailan ba matutugunan.

Pilit kong tinatago,
Bigat na  nararamdaman sa aking puso,
Na hanggang ngayon dala-dala ko
At nararamdaman ko pag sila'y nasa harap ko.

Bakit ganito?
Kahit anong subok ko
natatakot pa rin ako,
Natatakot ako sa maaaring kahantungan ng lahat ng ito
Natatakot ako na kapag nagsabi o nagtapat ako,
Isang araw gumising nalang ako
At mapagtatanto kong
mag isa na lang talaga ako
At wala na sila sa tabi ko
Dahil Iniwan at pinagtabuyan nila ang isang katulad ko,
Ako na puno ng katanungan,
Ako na puno ng kasinungalingan,
Ako na walang kahahantungan,
At ako na kailan man
Hindi nila maiintindihan.

Subalit alam ko
Na darating ang araw na ito
Ang araw na kung saan iiiwan mo ako.
Pero lagi mong tandaan
Na kahit iwan mo ako ng tuluyan
Nandito pa rin ako
Na iyong anak,kapatid,at kaibigan
Na iyong matatakbuhan sa oras na iyong kailangan.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon