Nakilala kita sa mundo na walang kasiguraduhan
Sa mundo na 'di mawari kung ang lahat ba'y may kabuluhan
Naging magkaibigan tayo
Subalit 'di mawari kung ang pinapakita mo'y totoo
Pinaramdam ko sayo na ika'y mahalaga
Pero ba't di mo man lang' yun makita-kita?Alam ko sa sarili ko na lahat nang pinapakita at pinaparamdam ko'y totoo
Pero ba't sayo parang wala lang ang lahat ng 'to?
Nandiyan ako no'ng time na kailangan mo ng kausap
Pero ba't ako di mo man lang makumusta o sabihan ng "wassup?"Nag-away tayo sapagkat 'di mo naintindihan mga sinabi ko
Humingi ka ng tawad at pinatawad kita
Pero nakilala mo lang siya
Tuluyan na akong naetsapwera.Ba't ka ganyan?
Alam ko sa sarili ko na 'di ako nagkulang
Pero ba't mo nagawang ako'y iwanan
Iwanan na wala man lang dahilan
Iwanan na puno ng katanungan sa aking isipan.Ilang beses kitang inintindi
Ilang beses kitang pinatawad sa iyong mga pagkakamali
Pero sa lahat na iyong ginawa
Ang pang-iiwan sakin ng walang dahilan, pag-unawa'y kailanman di ko magagawa
Kasi alam mo naman diba?
Sa lahat ng ayaw ko ay yung iniiwan ako ng walang dahilan.Isang araw napagdesisyunan kong kalimutan ka
At ang araw din na nawala sayo yung atensyon niya
Nakakatawa kasi sa'kin ka agad lumapit
At tatanungin kung ako'y galit.Naaalala mo lang ako
Pag wala na sayo atensyon ng gusto mo
Pero pasensya ka nakapag desisyon na ako
At yun ay totohanin ang salitang pinakaayaw kong sabihin
Salitang pag sinabi ko
Tuluyan nang gagawin sayo
At alam kong alam mo na ibig sabihin nito.