Bakit ganito ang nararamdaman ko
Di mawari kung lahat ba'y totoo
Puso't isipan ay nalilito
Sa lahat ng mga pinapakita mo.Ang gulo, ang gulo gulo mo
Minsan okay tayo
Minsan naman hindi magkasundo
Madalas pang saktan ng mundo.Nakakainis na
Hindi na nakakatuwa
Hindi ko naman ginusto 'to
Pero ba't ako lang ang apektado?Ang unfair talaga ng mundo
Hindi patas kung manakit ng tao
Kasi ba't ganon ikaw ang saya-saya mo
Habang eto ako, hinihiling na sana mawala na' to.
Mawala na ang nararamdaman ko sayo
At mapalitan ng sayang totoo.