Alaala

0 2 0
                                    


Kumusta ka na?
Balita ko ang saya-saya mo na
Habang kausap sila
At nakikinig sa mga kwento mong tunay ngang nakakatawa.

Naaalala mo pa ba?
Mga sandaling kausap kita
Nagk'kwentuhan tayo ng kung ano-anong maalala
Habang tayo parang kinikiliti, tawa ng tawa.

Nagbibiruan
Nagkakantahan
Nagpapaalalahanan
Kapag, umiiyak ang isa ginagawa lahat upang mapatahan.

Ang saya noe?
Ang sayang balikan ang mga kahapong ikaw ang kasama ko
Mga kahapong nagparamdam sa akin ng lahat ng ito
At muling nagpatulo sa mga luhang minsan mo nang pinatuyo.

Pero nakakalungkot
Lahat ng saya ay napalitan ng kirot
Mga matang kumikinang
Nabahiran ng mga luhang umaagos kasabay ng pagpatak ng tubig ulan.

Mga alaalang kaysarap balikan
Subalit alam kong sakit ang mararamdaman sa kadulu-duluhan
Mga alaalang binuo
Kasama mo, na ngayo'y masaya na sa ibang tao.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon