WARNING: MATURED SCENE AND EFFECTS
"Ang ganda naman dito." Sabi ni Heliexia.
Narito kami sa bundok paakyat para makita ang kabuuhan ng bulkan Mayon. Sinadya nilang gumising ng maaga para maabutan namin ang paglabas ng araw.
"Napakapresko pala sa probinsiya, hindi tulad sa Manila na puro usok ng sasakyan." Sabi ni Yhanna habang hindi rin nahinto ang mata sa kakalibot.
"I want to stay here for a long time but we can't." Sabi naman ni Luxzell habang hindi rin nakokontento ang mata sa isang pwesto.
"Dito na lang tayo kay Jichelle magbakasyon kaya 'wag mo hihiwalayan si Jichelle ha para may mapagbakasyunan tayo." Sabi ni Tristan na tinatapik tapik pa ang braso ni Yvez.
"Psh. Don't touch me." Sabi ni Yvez na bahagya pang tinulak si Tristan.
Napapangiti pa ako dahil hilig ni Tristan pikunin ang mga kaibigan niya lalo na si Yvez.
"Pwede na tayo dito." Sabi ko ng makahanap kami ng patag na lugar at kitang kita ang kabuuhan ng bulkan.
Agad nilang nilibot ang tingin at nag uunahan pang maglatag ng tela para may maupuan kami. Sabay sabay kaming naupo at nakatingin sa magandang tanawin. Natatakpan pa ng hamog at ulap ang bulkan pero halatang maganda ang magiging resulta nito dahil hindi madilim ang langit. Kumukha sila ng camera at todo litrato sa kaharap.
Napapangiti ako dahil nagugustuhan nila ang lugar ko. Hindi ko lang inaasahan na mayayaman sila pero mas gusto nila ang ganitong lugar. Ni isang beses ay hindi ko sila narinig na nagreklamo at puro papuri pa nga kung tutuusin.
Katabi ko si Yvez at naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa likod ko. Niyakap ako ng isang braso sa bewang at nakangiting nakatingin sa mga kasama namin. Napangiti siya lalo ng magtama ang tingin namin. 5:45AM pa lang at hindi pa gaano maliwanag sa paligid. Masyado kasi silang excited kaya pati ako ay nadadala.
Napaatras ako ng konti ng halikan niya 'ko sa mismong labi. Madali lang 'yun kaya agad akong napalingon sa paligid pero abala silang lahat sa ginagawa. Narinig ko ang pagtawa ni Yvez kaya napalingon ako sa kaniya pero inihiga niya ang ulo sa balikat ko. Niyakap ko din siya gamit ang braso.
Dati. Ang sabi ko sa sarili ko ay ayaw kong makikipagkaibigan sa mayayaman dahil manliliit ako kapag kasama sila pero nabago 'yun 'nung nakilala ko si Yvez at ang mga kaibigan niya kahit ang mga kaibigan ko. Hindi nila pinaramdam sa'kin na ganito lang ako at pinapakita pa nila na dapat maging masaya ako sa kung anong mayroon ako dahil pwede ko 'yun maipagmayabang.
"Hala 'yun na 'yung araw!" Tili ni Yullyz habang nakaturo sa araw na papalitaw.
Agad kaming napalingon doon. Sobrang ganda. Nakakahanga nga ang dahan dahang pagpapalit ng kulay ng kalangitan. Kung kanina ay medyo madilim pa, ngayon ay umiinit na.
"Ang ganda." Naiusal ko habang hindi rin makapaniwala sa nakikita.
"Your much beautiful than that." Sabi ni Yvez na sa akin ang tingin.
Hindi ko alam kung hindi niya ba inalis ang tingin sa akin o nagkataon lang dahil sinabi niya 'yun pero hindi 'yun mahalaga, halos kilitiin ang puso ko dahil sa sinabi niya.
"I love you Jiwell."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Unang beses niyang binanggit ang unang pangalan ko at parang may kung anong kiliti nanaman ang naramdaman ko. Napangiti ako habang titig na titig sa mata niya. Siya na yata ang pinakamagandang tanawin na nakita ko. Ang ganda ng hulma ng mata niya. Ang kapal ng kilay ay tamang tama sa mata niya at kahit pilik mata niyang makahaba ay nakakaakit din. Ang ilong niyang para bang pinaghandaan ng mabuti kaya ganu'n kaganda at lalo na ang labi niyang hindi kailangan ng kolorete dahil sobrang pula na. Ang kutis niya na halatang mayaman at ang tangkad niya na kumukuha ng atensyon ng lahat.
YOU ARE READING
SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓
РазноеSHS SERIES 2 (YVEZ AND JICHELLE STORY) Ako si Jiwell Achelle Yskaela Gonzaga,mas kilala sa pangalang Jichelle at walang ibang hinihiling kundi ang simpleng pamumuhay bilang isang probinsyana. Ang simpleng gusto ko ay nadagdagan ng isang kahilingan...