"Oy awit!" Bungad agad sa amin ni Tristan.
Nasa harap sila ng dagat. Narito si Luxzell, Axie at Tristan. Wala si tito, paniguradong may ginagawang importante. Si Wayan at Seirho naman ay naglalaro.
"Kamusta ang pamamanhikan ng pinsan ko?" Pang aasar naman ni Axie.
"Stop it Axie." Sabi ni Yvez tsaka inalalayan akong maupo sa hindi kalayuang pwesto nina Axie.
"I-I'm sorry again." Sabi niya habang yumuko at naglalaro ng buhangin ang daliri.
"W-Wag kang magsorry, gusto ko din naman 'yung nangyari." Sabi ko na ikinalingon niya. "I-Iwasan na lang yata natin na lumalim 'yun halik." Pilit ngiting sabi ko.
Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko. Buong araw kasi kaming walang imikan dahil sa nangyari. Nagpapasalamat pa nga ako sa kaniya dahil sa pagpipigil niya. Nahihiya din ako. Sobrang nahihiya at hindi matatapatan ng salitang hiya ang nararamdaman ko ngayon pero ayaw kong hindi kami mag imikan dahil lang doon. Halos nasanay na ako sa presensiya niya. Hindi pa man kami pero komportable na 'ko e. Ni ayaw ko ngang nawawala siya sa paningin ko.
"Kantahan mo din kasi!" Pang aasar ni Tristan kay Yvez.
Nasa private plane na kami ni Luxzell at pabalik na ng Pasig. Napalingon ako 'nung kumanta si Kuya Luxzell kaharap si Ate Axie.
"Shut up Tristan." Natatawang sabi ni Yvez.
Nang makalapag ang eroplano sa Pasig ay nagkaniya kaniya na kaming uwi pero sinamahan pa din ako ni Yvez.
"Kamusta ang bakasyon?" Nakangiting bungad sa amin ni 'nay Sally.
Ngumiti naman ako tsaka lumingon kay Yvez. "Masaya po 'nay Sally."
"Medyo nagkakamabutihan yata kayong dalawa aha!" Panunukso ni 'nay Sally, napanguso naman akong umiwas ng tingin.
Kung dati ay naiinis akong tinutukso sa kaniya, ngayon ay parang nagugustuhan ko na.
Makalipas ang isang buwan ay nagcelebrate kami ng birthday namin. Parehas kami ng gusto kundi ang magsama lang kami sa kaarawan. 'Nung kaarawan niya ay magkasama lang kami at pagala gala sa kung saan at ganu'n din sa kaarawan ko.
"Stay at my home. Ilang buwan na lang din at may pasok na tayo, nakapag enroll ka na ba?" Tanong niya.
"Hindi pa, next week ang opening ng enrollment." Sagot ko habang nagluluto ng sisig na paborito niya, si 'nay Sally ang nagturo sa'kin.
"Can I join you?"
Napalingon naman ako sa kaniya tsaka ngumiting tumango.
Kung dati ay naiilang ako sa presensiya niya, ngayon naman ay hinahanap ko 'yun kapag wala siya. Hindi ko naman masasabing patay na patay ako sa kaniya pero inaamin kong gusto ko siya at okay na sa'kin 'yun kahit wala kaming hinahawakan na relasyon.
"Ay ang taray!" Hirit ni Heliexia ng makita kami. "Hi Yvez!" Sabi nito kay Yvez na kumaway pa.
"Hi." Kaswal na sabi ni Yvez na ngumiti pa.
"Hoy hinahanap ka ni Minux." Bulong sa'kin ni Yullyz.
Kumunot naman ang noo ko. "B-Bakit?"
"Ewan ko do'n!" Nagkibilit balikat pa siya.
Napatingin ako kay Yvez nang mapansin kong nakatingin siya sa'min. "Sino si Minux?" Kunot noong tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/284291863-288-k586689.jpg)
YOU ARE READING
SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓
AcakSHS SERIES 2 (YVEZ AND JICHELLE STORY) Ako si Jiwell Achelle Yskaela Gonzaga,mas kilala sa pangalang Jichelle at walang ibang hinihiling kundi ang simpleng pamumuhay bilang isang probinsyana. Ang simpleng gusto ko ay nadagdagan ng isang kahilingan...