-♡︎-
Ako si Jiwell Achelle Yskaela Gonzaga.Taga Albay Bicol.Naninirahan sa simpleng pamumuhay sa probinsiya.May nakakatanda akong kapatid,siya si Kuya Lacson Gonzaga.Ang Mama ko ay si Jazzy Gonzaga habang ang Papa ko naman ay si Levi.
Sapat na sakin na manirahan kami sa probinsiya.Walang problema dahil close na close kaming lahat at masaya kami sa simpleng buhay.Okay na samin ang simpleng pagkain galing sa mismo naming pinaghihirapan.May sarili kaming lupain na may mga tanim na gulay na binibenta ng magulang ko sa palengke.
Hanggang sa dumating sa punto na kailangan ng maghigh school ni Kuya.Grade 4 naman ako habang high school si Kuya Lacson.
Nagbakasyon dito sa Bicol si tito Lucas.Hindi ko alam kung paano nakilala ng mga magulang ko si tito Lucas dahil napakabata ko pa para alamin ang lahat ng araw na 'yun basta nalaman ko na lang ay pinag aral ni tito Lucas si Kuya sa high school at nangako itong pagpapaaralin ito hanggang college.
Sobrang tuwa ng magulang ko at dahil sa bait ni tito Lucas ay nakiusap si Kuya na magtatrabaho siya kay tito Lucas para kahit paano ay mabayaran man lang nito ang pag aaral niya kay tito Lucas.Nung una ay ayaw ni tito Lucas pero pinilit siya ni Kuya kaya napapayag niya ito.Nagtrabaho si Kuya sa Hotel na pagmamay ari ni tito Lucas sa Naga pero may sweldo pa rin si Kuya at base kay Tito ay ang sweldo na 'yun ay para sa baon at para sa pamilya na rin namin.Sa Naga na rin nag aaral si Kuya at may sariling apartment roon.
Pinagtulungan din ni tito Lucas at tito Primo ang pagpapaayos sa bahay namin.Ang dating bahay namin na kahoy lang ang haligi,ngayon ay semento na.Hindi nga lang kalakihan pero sapat na samin.May dalawag kwarto,ang isa ay para kay Mama at Papa habang ang isa ay sa amin ni Kuya Lacson pero dahil wala si Kuya ay ako lang mag isa,depende na lang kung umuuwi siya.
Naiwan kaming tatlo pero umuuwi uwi si Kuya tuwing Linggo.Masaya pa din naman kami at dahil wala ng ibang katulong ang magulang ko sa palengke ay ako na ang tumutulong.Nag aani ng mga pananim hanggang sa pagtinda sa palengke.
Hanggang sa dumating na ulit sa punto na maghahigh school ako.Ayaw ng ipaalam ng magulang ko na maghahigh school ako dahil nahihiya na sila kay tito Lucas kaya pinaghirapan ng magulang ko para lang makaapak ako ng high school.
Hindi namin inaasahan na pupunta si tito Lucas kasama si tito Primo sa araw ng enrollment ng high school sa lugar namin.Alam nila na high school na 'ko at nagvolunteer si tito Primo na paaralin akong high school hanggang college.Nahiya ako 'nun pero dahil sa kulit ni tito Primo ay hindi na kami tumanggi.
Ang hindi ko lang nagustuhan ay kukunin niya ako para sa Pasig mag aaral.Ayaw kong malayo sa pamilya ko.Kapag sa Pasig ako nag aral ay paniguradong hindi ako makakauwi sa bahay.Ayaw kong maiwan ang pamilya ko dito sa probinsiya.
Hindi ko alam kung papayag ba ako na pag aralin niya 'ko sa Pasig.Ang sabi niya ay maraming magagandang University sa Pasig.Mayroong mga International School.Madali rin daw makahanap ng trabaho kapag do'n ako nakapagtapos.Tutulungan niya akong makahanap ng magandang trabaho.
Naisip ko din na kapag ginawa ko 'yun ay matutulungan ko ang magulang ko pero iisipin ko pa lang na wala ang pamilya ko do'n ay nagdadalawang isip na agad ako.
"Pinag isipan mo na ba Jiwell?" tanong ni tito Primo.
Kilala sa buong Bicol sina tito Lucas at tito Primo dahil marami ang pag mamay ari nila sa Bicol.Napakaswerte nga ng pamilya ko dahil kami ang napili nilang pag aralin.Nakakahiya kung tatanggihan ko.
YOU ARE READING
SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓
AléatoireSHS SERIES 2 (YVEZ AND JICHELLE STORY) Ako si Jiwell Achelle Yskaela Gonzaga,mas kilala sa pangalang Jichelle at walang ibang hinihiling kundi ang simpleng pamumuhay bilang isang probinsyana. Ang simpleng gusto ko ay nadagdagan ng isang kahilingan...