"Okay na ba 'yan?" Tanong ko habang tinitignan ang presentation nila about sa project.
Gagawa kasi sila ng presentation tungkol sa 'Linis Kapaligiran, Maayos na Kalusugan Poject.'
"Ate okay na po ba ito?" Tanong sa akin ni Briannah, 2nd year high school na kasama sa project.
Tumingin naman ako sa ginagawa niya, naglalagay kasi siya ng transition sa video.
"Galing mo, okay na 'yan." Nakangiting sabi ko sa kaniya at nagthumbs up pa.
Ngumiti naman siya tsaka pinagpatuloy ang ginagawa. Busy na kami sa project dahil next week ay ipepresent na namin ito sa outsider teacher. Medyo kinakabahan na ako dahil ang akala ko kasi ay taga dito lang ang pepresentan namin, outsider pala.
"Ate Jiwell, kailangan po ba ng descriptive sa unahan ng video?" Tanong niya Neah, 3rd year high school.
Lumapit naman ako sa kaniya. "Oo beh." Sagot ko tsaka ipinakita sa kaniya ang ilalagay.
"Teh may naghahanap po sa'yo." Sabi sa'kin ni Krisha, 3rd year high school din at kasama sa presenting.
Napalingon ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. "Sino?"
"Hindi ko po alam e." Sabi niya na nagkibit balikat pa. "Pero andoon po siya ngayon, hinahanap ka." Sabi niya sabay turo sa gate.
Tinaguan ko naman siya tsaka sinenyasan silang ipagpatuloy ang ginagawa tsaka ako lumapit ng gate. Nakita ko ngang may kausap ang guard na lalaki sa labas, paniguradong hindi pinapapasok dahil class hour ngayon. Excuse lang kami dahil pinapaayos 'yung presentation.
"Sir guard, madali lang po ako." Boses pa lang ay alam ko ng si Yvez.
Napakunot naman akong napatingin sa phone ko. Wala siyang text at alas tres pa lang ng hapon. May pasok siya, anong ginagawa niya dito?
"Oh 'yan ang pupuntahan ko." Sabi ni Yvez nang mapansin ako at tinuro pa.
Tumingin naman sa'kin ang guard kaya pinapasok niya. "30 minutes lang po kayo dito sa loob, class hour po kasi." Sabi 'nung guard, tumango naman si Yvez.
Patakbo siyang lumapit sa'kin at niyakap pa 'ko. Buti na lang at class hour ngayon kaya walang esrudyanteng pagala gala.
"May pasok ka ha! Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko.
Kumunot naman ang noo niya. "You don't want to see me?"
"H-Hindi naman sa ganu'n!" Depensa ko kaagad. "Ang inaalala ko lang ay baka may paso-"
"Wala okay? Wala naman kaming pasok kaya naisipan kong pumunta dito!" Nakangiting sabi niya na inabutan pa ako ng paper bag, kinuha ko naman agad.
"Busy ako ngayon." Naiilang na sabi ko, baka kasi masamain niya.
"Alam ko kaya nga kita pinuntahan dito para macheck ka." Lumungkot ang tono niya. Tumingin siya sa relo tsaka lumingon sa gwardiya. "Sige aalis na 'ko, baka naiistorbo kita." Seryosong sabi niya tsaka tinalikuran ako.
Naguluhan naman ako sa inasta niya. Hala? Minasama niya 'yung sinabi ko! Sabi na e!
"Ev!" Tawag ko pero hindi siya lumingon at tuloy tuloy lang ang paglabas ng gate, hindi man lang ako nilingon.
YOU ARE READING
SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓
RandomSHS SERIES 2 (YVEZ AND JICHELLE STORY) Ako si Jiwell Achelle Yskaela Gonzaga,mas kilala sa pangalang Jichelle at walang ibang hinihiling kundi ang simpleng pamumuhay bilang isang probinsyana. Ang simpleng gusto ko ay nadagdagan ng isang kahilingan...