(26)

84 4 0
                                    

"Hala Jiwell! Hindi ka nakapasa!"



Malungkot na bungad sa akin ni Heliexia habang hawak ang listahan ng mga nakapasa sa special exam. Napabuntong hininga ako bago ngumiti.



"Ayos lang, ibabawi ko na lang sa examination." Sabi ko.



Nakapasa si Heliexia at okay na sa'kin 'yun. Talagang pinaghandaan niya ang exam at masaya na 'ko para sa amin.




"Jiwell, why you didn't pass the special exam?" Nagtatakang tanong ng adviser ko.



"I'm sorry ma'am. M-May personal problem lang po." Love problem talaga 'yun.



Dahil sa nangyaring 'yun ay nalaman ni 'nay Sally. Kung kanina ay ayos lang sa'kin 'yun, ngayon ay natatakot na 'ko dahil sa sarili kong kasalanan.



"Hindi ka ba nakapasa dahil kakaisip kay Yvez?" Pandidiretso ni 'nay Sally.



Napalunok naman bago tumango. "Pasensiya na po. Pangako ko po lalo kong pagbubutihin." Sabi ko kaagad.



"Alam ko naman 'yun. Ang inaalala ko lang ay baka malaman ng mga magulang mo lalo na ni Primo na nagkakaganyan ka dahil kay Yvez, lalo kayong paglalayuin niya."



Alam kong hindi pananakot ang ginagawa ni 'nay Sally kundi pagpapaalala pero natatakot ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa paglalayuin kami ni Yvez kundi sa kapag nalaman nila na nagkakaganito ako dahil kay Yvez. Ayaw ko ng maulit 'yun at kamapante na 'ko ngayon dahil may pinag usapan na kami ni Yvez. Payag siya na hahayaan muna namin ang isa't isa pero nangako kami sa isa't isa na magsasama ulit kami kapag 18 na 'ko at makakapagtapos kami ng pag aaral. Masaya na 'ko doon na ayos na kami ni Yvez at malinaw ang usapan.



Dahil nga bagsak ako sa mga quiz at hindi rin ako nakapasa sa special exam ay todo review na 'ko. Hindi na rin nakealam si 'nay Sally na ipagsabi pa ang nangyari sa mga magulang ko at kay tito Primo basta ayusin ko lang daw ang pag aaral ko dahil kung hindi ay kailangan daw 'yun malaman ng magulang ko at ni tito Primo na ikinatatakot ko.




Nagtetext pa naman kami ni Yvez pero hindi na kami nagkikita. Ayos na sa'min 'yun atleast mapagtutuunan namin ang pag aaral. Gusto ko din na nagtetext kami dahil ang pagkain niya. Nangako ako sa magulang niya na aalagaan ko si Yvez habang wala sila kaya kahit text lang na paalalahanan siyang kumain ay ayos na sa'kin.




"Kamusta kayo ni Yvez? Balita ko okay na kayo! Halata sa mukha mo e." Sabi ni Yullyz.



Ngumiti naman ako tsaka tumango. "Ayos naman kami pero hindi na kami nagkikita, text na lang." Sabi ko.




Nagtaka naman ang tingin nila. "Ayos ba 'yun?" Mala LDR ang peg niyo e diyan lang 'yun sa kabilang subdivision at school." Sabi ni Heliexia.




"Basta." Nakangusong sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.



"Oy ang gwapo!" Hirit ni Heliexia kaya agad kaming napalingon kung saan siya nakatingin.




Nasapo ko ang noo ng makita sina Axie at Luxzell na kumakain.



"Ohmygash si Luxzell! Tara tara tara!" Sigaw ni Heliexia dahilan para mapalingon sa amin sina Axie at Luxzell.




"Hoy nakakahiya ka Heliexia" maktol ko habang sinamaan ng tingin si Heliexia na hindi natigil kakasigaw.



Lumapit kami sa kanila dahil hila hila ako ni Heliexia, mukhang ipapain pa yata ako.




SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now