Hanap

3 2 0
                                    

Ang kasakiman ay patuloy na lumalaganap
At patuloy na magiging masaklap
Kahit ito'y nila nang nakalap
Pinagkuhanan ay hindi pa rin ilalaganap

Biktima ay hindi tatahimik
Kung walang hustisyang umiimik
Kahit pulis ay mismong lintil
Pati gobyerno ang mismong tinik
Walang ilalabas na hustisya kahit ilan pang beses ang maipitik.

Kailan mahahanap?
O patuloy na lang magpapanggap?

Tao rin silang nangangailangan
Na hindi pa rin magawang tumahan.
Luha nila'y patuloy na aalon
Kung hanggang ngayon, biktima ay siya pa rin baon sa loob ng tahimik na balon.

Sa pagsapit ng pangpito,
Mga tao ay patuloy na nalilito
Kung ang pangako na hustisya ay siya pa ring sinto-sinto,
Gobyerno ay palaging pipito para isarado ang pinto ng hustisyang nakahinto.

Ginawa na ang lahat,
Pero hindi pa rin ito kinakalat.
Maski ang pumatay ang pabalat hindi oa rin ito magkakaroon ng balat.
Pilipinas, dito mo masisilayan na ang hustisya ay walang sinasalat.

Kailan mabubuhay ang hustisyang matagal nang nakahimlay at patuloy na walang malay?

Linked LettersWhere stories live. Discover now