Klima

2 1 0
                                    

Sa oras na ika'y umiiyak
Dahil sa mga sagot na hindi tiyak,
Emosyon ay naghahalinhinan na palaging payak,
Nagsisimulang gumulo at sumindak

Huwag mo sanang pigilan ang nagbabadyang luha,
O sinta, kakayanin ko pa kaya?
Kung sa bawat araw ulan ay hindi na tumitila,
Naiintindihan kita, pero ako'y pagod na

Gusto ko nang magpahinga,
Sa araw na ito, ako naman muna.
Babalikan kita kung dapat pa ba
Dahil ang ako ay ikaw na palaging iba ang klimang ipinipinta.

Linked LettersWhere stories live. Discover now