Sisibol na naman ang bagong umaga upang maghintay ng malumanay na gabi,
Hikbi na naman ang tanging maririnig sa bawat labi,
Luha ang siyang tanging matatawag na ganti,
Hindi na ako bago rito, ikaw ba naman ang dito'y paulit-ulit na ibigti.Wala nang taong tutulong sa bawat subok mo sa pagsulong,
At mas pipiliin mong muli ang bumuntong ng urong.
Heto na naman ako, madadagsa sa mga buhol na tali at doon ipapagulong,
Hindi makasisigaw ng 'tulong, tulong ako dito'y humantong'Ganito ba talaga ang kabataan?
Palaging may nakaamba sa kanto ng bantaan?
Mararanasan ang iba't ibang kapintasan
Kung saan hindi ka tutulungan punasan.Lubog na naman ang araw,
Gabi na madilim ay muling pumupukaw,
Magaslaw na utak ay sumisilaw sa buwang nangungumapaw,
Dito na ako titigil, at hindi na muling maghihintay ng maling ilaw.
YOU ARE READING
Linked Letters
PoetryBe acquit from the past. Let your today cast As if it will never last. Sula't Tula : contains compiled poems.