Gawad

2 1 0
                                    

Sa panahong wala kang kasama sa paglalakbay
Sa oras na ika'y walang kaakbay
Sa gabi na walang kulay
Sa lugar na walang buhay
Hayaan mong ako sa iyo'y sumabay
Sa hindi pangkaraniwang nararamdaman ika'y sumakay,
Hindi kita hahayaang mag-isang maglalakbay.

Hahagkan sa tuwing luha'y papatak,
Gagamutin ang sugat at pasa sa muling pagbagsak,
Muli kang sasamahang magsimula sa bawat tapak,
Patatahanin ka kapag may hinagpis na lalagapak.
Huwag mong hayaan ang emosyong maging peke, dahil ito mismo ang magpapasalpak sa iyon sa huwad na halakhak.
Maghihintay ako sa dulo kung saan ang kasiyahan mo'y magbibigay sa 'yo ng tunay na galak,
At ang ngiti sa labi mo'y sa wakas tatatak.

Hinahangad mo ang sa iyo'y aking igagawad,
Kung saan ang saya'y gagawing pugad,
Hikayatin mo silang sa iyo'y tumulad.

Magsalo-salo tayo sa bahay ko at doon ipagpapatuloy ang susunod pang kagawarang tiyak.
Sa araw ng linggo, maghihintay ako sa muli niyong pagkatok, anak.

Linked LettersWhere stories live. Discover now