Hulihan

3 2 0
                                    

Dito sa hulihan marami ang nagtatakbuhan,
Maraming taya ang nakapaloob sa hagaran.
Iba-ibang prinsipyo ang nakahalumbitin,
Pero niisa sa kanila ay hindi man lang mabigyang pansin
Dahil daw ang salapi ay bitin kung tutuusin

Mga mata ay nakabantay
Sa hustistang patay na nakaratay
Na kahit saang anggulo ay hindi kailanman magiging pantay.

Hintay...

Eto na naman tayo sa katapusan,
Na kahit kailan ay hinsi mapunasan kahit ito pa ay linisan.

Hinding hindi malilinis ang maling kutis ang hustisyang nilitis.

At dito tayo nabigi at natalo sa pagpalo ng maling pamalo.

Ano pa nga ba ang magagawa ng paghihintay kung matagal na akong ibinitay?

Tatayong muli sa dulo ng walang hanggang hulo
Saka doon maghihintay ng panibagong gulo na walang sasaklolo.

Masisilayan ko na naman ang paghuli kay itay
Kung kailan muli na naman siyang ikakatay.

Sa mundo, ako na naman ay nahuli
At walang pake kung ako pa rin ay mapili upang malanghap ulit ang anghang ng mundong sili.

Linked LettersWhere stories live. Discover now