Comouflage Evade

2 1 0
                                    

Hindi ko alam kung pangilang tula ko na itong isasalaysay,
Pero sa bawat araw na tinatahak natin halo-halong pakiramdam ang naiaalay,
Na sa bawat istoryang ilalahad ng mga manunulat maraming emosyon ang walang papantay,
Bagama't may sakit, luha, saya, ngiti ang sa ati'y ipaparamdam upang masanay.

Sa pagsasanay na ito, hindi natin nanaisin na kumalas o bumitaw,
Lahat ng kwento may katapusan upang ang katotohanan ay lumitaw,
Dalawang pakiramdam na sa puso natin ay ililigaw,
Saya at lungkot na pwedeng ipataw.

Ngunit bakit nga ba kailangan ng dulo kung pwede namang ituloy pa?
Paano tayo matututo kung walang masusugatan?
Paano tayo bibitaw kung nasanay na?

Maraming emosyon ngunit dalawa ang pagpipilian ng ating kapalaran,
Na para bang sa takbo ng istorya kukunin ang isa sa dalawang pakiramdam ang pagpipilian.

Pighati o ngiti, lahat may dahilan sa dulo
At dito na tayo magiging handa upang matuto
Wala nang malilito
Lahat may sariling punto.

At bukas ito'y tuluyang magwawakas.

Linked LettersWhere stories live. Discover now