Nagtitila patak ng ulan sa bubong ang ramdam
Mga mata ay kanina pa malulam,
Tibok sa dibdib ay hindi na maintindihan.Kay bigat na para bang ako'y may pasan,
Musika lamang ang nagbibigay kanlungan
Sa nararamdamang ako lagi ang may kasalanan.Akala ko ba'y ito lamang ang karamdaman ng bawat batang mulat,
Dahil sabi mo hindi naman ito makatotohanan para sa mga hindi pa dilat,
Ngunit kayo rin mismo ang sa likod ko'y nagpapasan ng malalakas na kidlat.Pakiramdam ko'y para akong saling pusa sa laro,
Laro na inyong binuo
Upang makaramdam ako nang ganito.Hay.. tama nga sila.
Para kang mag-isa,
Kahit kasama at kadugo mo sila.
YOU ARE READING
Linked Letters
PoetryBe acquit from the past. Let your today cast As if it will never last. Sula't Tula : contains compiled poems.