Pangako

4 0 0
                                    

Isang pangungusap na nangungusap
Mata'y kumikisap
Sa pangakong inilapat

Ilaw nagsimulang kumislap
Pighati'y nagsimulang humilab
Apoy nito'y tuluyang sumiklab

'Hindi Tayo' ang kabaligtaran ng matagal ko nang hinahangad
Sa paglapit ng petsa tuluyang ka nang kumawala
Natanaw kitang kasama siya, luha'y tumulo sa pisngi'y humagad

Ang sabi mo, magpapahinga ka lang
Hindi mo naman sinabi na uuwi ka na sa kaniya,
Pero bakit pa nga ba ako aasa sa pangakong inilatag mo
Kung sa kaniya pa rin naman ang balik mo

Mamahalin ka ng walang kahit na anumang saysay
Dahil wala na ring kwenta ang iyong pagsasanay
Sa iyong pagibig na sa aki'y hindi nasanay
Hali'na't humiwalay
Sa sasakyan pauwi sa kaniya ika'y sumakay

Hihinto na rin ako rito
Maghihintay muli, baka sa susunod ako naman kahit hindi na ikaw ang babaling ng tingin.

Linked LettersWhere stories live. Discover now