Nais ko sanang mamahinga sa malambot na kama,
Nais kong matulog sa kumpletong oras, sana,
Nais ko ring lumabas habang ang mga kaibigan ay kasama,
Ngunit lahat ng ito ay nakalista lamang sa papel ng sana.Dahil kung lilingonin ang lamesa, naroon ang bungad,
Hindi ako makahinga nang maluwag dahil sa tambak na mga aktibidad,
Mga mata sa pagtangis ay babad,
Sangkatutak ang sa kana't kaliwa'y nakalahad.Sa pagkakabaon rito ay nalulong,
Para bang ang sikip kahit sa maluwag na silid ay nakakulong,
Hindi man lang makahanap ng tulong,
Kinabuksan, tanyag na naman ang pagod sa pagsulong.:This is for the students who're currently struggling in studying like me. Laban lang! Hindi pa tayo tapos, kabataan.
YOU ARE READING
Linked Letters
PoetryBe acquit from the past. Let your today cast As if it will never last. Sula't Tula : contains compiled poems.