Chapter 2- Granting your wish~
"Ako? Paano mo naman nasabing ganun ako?"
Hindi siya tumingin sakin. Nakatingin lang siya sa langit na parang may malalim na iniisip.
"Hindi mo maiintindihan, Hera."
"Edi ipaintindi mo sakin.."
Hindi siya sumagot sa tanong ko. Tumayo siya at pumunta sa likod ko at sinimulang itulak ang inuupuan kong swing. Ano kayang problema niya?
"Alam mo namiss kita.."
"Hmm?"
"Hindi ka na kasi pumupunta dito eh.."
Matagal na nga pala akong hindi nakakapunta dito. Tumigil na ko ng pagpunta dito nung simulang manligaw sakin si Joshua. 3rd year ako nun. Siguro ang huling beses naming pagkikita nun ay nung araw na sinagot ko si Joshua. Nagkwento lang ako ng nagkwento sa kanya tungkol saming dalawa ni Joshua. Kung paano ko siya sinagot, kung gaano ako kasaya. Tapos yun, simula nun hindi ko na ulit siya nakikitang pumupunta dito.
"Ikaw nga ang hindi pumupunta eh. Inaantay kaya kitang dumating lagi"
"Ganun ba? Sorry."
"Ok lang."
Tumahimik lang kami sandali tapos nagsalita ako, "Matagal na tayong magkakilala pero hindi ko parin alam ang pangalan mo.."
"Kilala mo na naman ako eh, kaya siguro di mo na kailangan malaman ang pangalan ko."
"Hindi pwede noh! Anong itatawag ko sa'yo pag nakita kita sa daan?"
"Hindi mangyayari yun."
"Ha? Bakit naman?"
"Hindi ako pwedeng lumabas samin." Hininto niya ang pag-swing sakin tapos umupo ulit sa swing niya.
"Bakit?"
BINABASA MO ANG
Fairytales Do End At 12 [Short Story]
Short StoryIn real life, the Princess goes off with the wrong prince. © book cover image to luciddreamsaboutabutterfly in tumblr, edited by me.