Chapter 7

350 23 4
                                    

Chapter 7- Kaba

"Ano nakapag-aral ka ba naman ng ayos?"

"Sa nakikita mo naman may proof akong nag-aral nga ako."

"Aral nga ba ang dahilan niyan o si Joshua? Sus."

"Mers! Tigilan mo nga ako, porke may LQ na naman kayo ni Nelson."

Nasabi ko na ba sa inyong magkakilala na ang dalawang yun? I mean talagang magkakakilala sila kasi classmate namin siya pero ang ibig kong sabihin nag-uusap na sila. Pinagtabi kasi sila ng adviser ko, tas yun sa halip na lalong mainlove itong isa, mukhang asar na asar pa.

At ngayong nalipas ang mga araw, hell week na ngayon. Hay sana naman pumasa ako kahit na konting oras lang talaga ako nakapagconcentrate mag-aral. Tuwing gabi lang. Lagi kasi akong nakay-dad. Sabi nga niya ok lang naman daw kung hindi ko siya alagaan kasi may exam ako pero nagprisinta ako eh.

Kung itatanong niyo kung anong nangyari dun sa pagkikita nila Josh at Mr. Unknown, yun okay lang naman though sa umpisa hindi sila ganung nag-iimikan. Alam ko namang sa umpisa lang yun.

"Wag mo na nga ipaalala yung bakulaw na yun. Lalo lang akong naiinis eh."

Kung nagtataka naman kayo kung anong nangyari sa dalawang to, e kasi di ba nga pinagtabi sila? E eto namang isa palihim na kinikilig kahit na hindi pa sila nag-uusap ha. Tapos yun isang araw kinausap siya ni Nelson.

"As in kilig na kilig pa rin ako nun ha. Tapos bigla na lang siyang tumingin sakin. Syempre ako nagulat ako. Sabi na lang niya sakin, ang cute ko daw."

 

 

"Oh tapos? Tapos?!"

 

 

Syempre kinikilig talaga ako para sa kanilang dalawa.

 

 

"Sabi niya, ang cute ko daw. Kamukha ko daw yung aso nila."

Tapos namula na naman siya sa galit. Tawa nga kami ng tawa ni Joshua nung ikwento niya yun. Hahaha. Kung makikita niyo lang mukha no Mers nun. So yun, simula nun lagi silang nag-aaaran sa klase to the point na napalabas na sila sa sobrang ingay nila.

"Pssst. Douglas!"

Narinig ko ang boses ni Nelson sa likod ko na parang may tinatawag. Kaharap ko kasi si Mers so nakikita niya ngayon si Nelson. Tumingin siya sa likod niya tapos sumimangot.

Fairytales Do End At 12 [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon