Chapter 3: Forgetful Joshua
"Anong nangyayari dito?"
Napatingin kami sa dalwang pares na matang nakatingin samin. Nakakunot ang pareho nilang noo at kita mo sa dala nilang kakarating lamang nila, ni hindi namin sila napansin ni Joshua.
"What is she doing here, Joshua?"
"Ma, please. Not this time."
Bago pa ko makapagreact, hinigit na niya ako sa braso. "I won't stop until you do what I said." narinig kong sabi ng mommy ni Joshua. Yea, she doesn't like me, ewan ko kung ganoon din ang tingin sakin ni Tito. Well hindi naman kasi siya ganong kasama sa kin. Lagi lang siyang nakatingin, walang kahit na anong masasakit na salita ang narinig ko sa kanya simula nung ipakilala ako ni Joshua sa kanila. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw sakin ni Tita, ang alam ko lang inis siya sakin.
"Sabi ko naman kasi sa'yo eh, sana hindi na lang ako pumunta dito."
"Okay lang, don't mind her. May sira lang talaga sa ulo ang ina ko. Wag mo na siyang pansinin."
Nasa labas na kami ng gate nila at naglalakad-lakad. Hahatid niya daw ako eh. Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa buong katawan ko kaya napahawak ako sa dalwang braso ko, "Nilalamig ka?" sabi ni Joshua tapos hinubad yung jacket niya at sinuot sa akin >///<
"Salamat."
Tahimik lang ang paligid at bigla ko ulit naalala yung kwarto sa bahay nila. Sino kaya yung nandoon? May tinatago kaya siya sakin? Tatanong ko ba o hindi? Curious ako eh, tanong ko na lang..
Ala wag na pala, baka magalit pa siya sakin. Pero kasi.. Sige na nga!
"Umm, Josh? Pwede magtanong?"
"Mmmmh?"
"Y-yung tungkol sa kanina.. A-ano kasi, umm.. bakit ayaw mong makita ko yung nasa loob nun?"
Huminto siya sa paglalakad pero hindi siya tumitingin sakin. Nako lagot na, nagalit na ata.
"Talaga bang kukulitin mo ko tungkol diyan?"
BINABASA MO ANG
Fairytales Do End At 12 [Short Story]
Short StoryIn real life, the Princess goes off with the wrong prince. © book cover image to luciddreamsaboutabutterfly in tumblr, edited by me.