Chapter 9- Fairytales Do End At 12
"Gusto mo raw akong makita?"
Nagulat na lang ako ng may magsalita sa likod ko. Nandito parin ako sa park at nag-iintay ng milagro. Nagtext sakin si Mommy na nilabas na daw nila si Papa. Nagulat pa nga ako nun. Lalabas agad siya eh hindi pa naman siya magaling!! Pero yun ang gusto ni Papa eh.
"Joshua?"
Bumalik ako sa realidad. Siya na nga to. Ang totoo kong mahal. Bakit hindi ko man lang nahalata na hindi pala siya ang kaharap ko? Bakit hindi ko man lang alam na may kakambal siya? Ang tagal ko na siyang kilala pero parang wala man lang akong kaalam-alam.
Automatikong bumagsak ang luha ko ng niyakap niya ko. Miss na miss ko na siya. Bakit kasi nangyari pa to eh?!
"Joshua.. Joshua.."
"Shhhh..."
Hinahagod niya ang likod ko, mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya sakin.
"I miss you so much."
"Hindi mo lang alam kung gaano katagal ko ng gustong yakapin ka. Na parang ganito.."
"Bakit?"
Sinubukan kong makaimik ng ayos, pag ganitong umiiyak kasi ako hindi ko magawang magsalita ng ayos, "Bakit mo tinago sakin?"
Inalis na niya ang yakap sakin. Pinagdikit niya ang noo namin tapos hinawakan niya ang pisngi ko.
"Ayokong masaktan kita, Hera. Masyado kitang mahal para gawin ko yun. I'm just being fair, Hera. I'm sick. Alam mo naman yun di ba?"
"Joshua naman.."
"Mahal ka ng kapatid ko, Hera. Alam ko yun. Ramdam ko yun."
Nakwento na lahat sakin ni Josiah ang nangyari. Pero hindi parin ako makapaniwala. Siya pala. Siya pala ang batang nakilala ko noon. Si Josiah ang nakilala ko noon hindi si Joshua.
BINABASA MO ANG
Fairytales Do End At 12 [Short Story]
Kısa HikayeIn real life, the Princess goes off with the wrong prince. © book cover image to luciddreamsaboutabutterfly in tumblr, edited by me.