Chapter 6

365 19 3
                                    

Chapter 6- They finally.. meet

Sumakay na kami ng jeep ni Joshua tapos nagpababa na lang kami sa kanto malapit sa may subdivision namin. Gusto lang daw niyang matagal kaming magkasamang maglakad.

"Mabait naman pala ang Daddy mo eh."

"Nagkamali ako eh. Diniktahan ko agad ang pagkatao niya dahil lang sa isang pagkakamaling ginawa niya."

"Nasaktan ka lang kaya mo nagawa yun."

Natahimik ako sa sinabi niya. Tama siya, sobra-sobra pa nga eh. Napalingon ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko. Naramdaman ko pang pinisil pa niya ito.

"E paano kung ako naman ang nakasakit sayo, didiktahan mo rin ba ako sa isang pagkakamaling ginawa ko?"

"Hindi ko masasabi yan dahil hindi pa naman nangyayari eh and hopefully hindi nga mangyari. Bakit may balak kang saktan ako noh?"

Nagpout pa ako nun tapos ngumiti lang siya sa akin bilang sagot. Kamuntik ko ng makalimutan yung nangyari kahapon. Yung sa park, tanungin ko kaya siya?

"A-ah, Josh?"

Tumingin siya sa akin nun tapos ngumiti.

"Yes, Babe?"

Kinuha niya muna yung bag na nakasabit sa balikat ko tapos siya na yung nagdala. Sabi ko nga wag na kasi magaan lang naman pero nagpumilit din siya.


"Lumabas ka ba kahapon ng..ng gabi?"

Kumunot ang noo niya na parang nag-iisip.

"Hindi na.. bakit?"

"E san ka dumiretso pagkahatid mo sakin?"

Sana hindi niya mahalata na may something yung tanong ko sa kanya.

"Umuwi na ako nun eh. Napagod na din kasi ako."

"Ahh ganun ba?"

"Bakit mo tinatanong?"

Kung hindi siya, e sino? Si Joshua lang naman ang alam kong gagawa nun eh. Siya lang.

Fairytales Do End At 12 [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon