Chapter 8

304 21 3
                                    

Chapter 8- The Truth

Napatingin ako sa clock sa tabi ng kama ko '2:40'. Kanina pa ako nakahiga pero hindi ako makatulog. Nanood na nga ako ng movie, makakatatlo na ako pero hindi pa rin ako inaantok.

Ineexpect kong tatawag si Joshua pero hindi pala. Siguro kaya lalo akong hindi dinadalaw ng antok.

Siguro mga past 3 na ako nakatulog kaya nagising ako ng mga 12 na. Hindi ako pumasok ngayon kasi sabi ko nga kukuha na lang ako ng special exam. Gumayak na ako papunta kay Papa. Nakasimpleng tshirt lang ako na gift sakin ni Joshua tsaka shorts.

"Dad!" bati ko kay Dad na parang hindi ako nag-alala sa kanya. Ang totoo talaga lagi akong kinakabahan na baka ngayon na siya kunin sakin. Ayaw niya kasi ng malungkot kaya sinusukan kong maging masaya para sakanya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Nilagay ko na sa side table yung fruits at saka nilagay yung flowers sa may vase doon.

"Okay na okay na si Papa, anak. Para ngang mas lalo akong lumakas ehh. Parang wala na akong sakit."

Gusto kong masaktan sa mga sinabi niya kasi alam kong hindi naman totoo, namumutla kasi ang mukha niya.. pero nakita kong nakangiti siya eh.

"Gusto mong kumain, Pa?"

Pag-iiba ko tapos pinakita ko sa kanya yung dala ko.

"Sige nga, bigyan mo nga ako niyang.. Ano ba yan, grapes?"

Tapos kinuha ko siya nung grapes. Hinugasan ko muna tapos nilagay sa isang bowl at binigay sa kanya.

"Pinauwi ko muna si Mama, Dad kaya wala siya ngayon."

"Ahh.. Mabuti naman napilit mo ang Mama mo, nagpupumilit siyang nagbantay eh. Gusto ko din kasi siyang magpahinga." sabi niya sabay kagat sa ubas.

"Ikaw din dapat hindi ka na lumiban. May exam ka di ba?"

"Papa, pwede naman akong kumuha ng special exam next week eh. Makakapag-intay pa naman yun eh. Mas importante kayo sa kin ehh.."

Umupo ako sa tabi niya, nakaupo na kasi siya kaya yun, unusod siya bg kaunti para makaupo ako.

Fairytales Do End At 12 [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon