Chapter 11

297 23 1
                                    

Chapter 11- Choice

Mommy Eritte's Point of View

Kasalukuyan akong nag-aayos ng hapag kainan ng pumasok sa may kusina si Henry ng naka-wheel chair.

"Magiging masaya na ang anak mo. Sa wakas nakita na niya."

Ngumiti lang ako sa kanya nun. Basta ang hiling ko lang para sa anak ko e sana maging masaya siya sa desisyon niya.

"Halika na. Kain na tayo."

Tinawag ko na nun si Erian tapos sabay sabay na kami kumain.

"Eritte! Eritte!"

Nakarinig na lang ako ng sumisigaw sa labas ng bahay namin. Lumabas ako para tingnan iyon.

Nagulat na lang ako ng makitang nanginginig ang kapitbahay kong si Pola at mas nagulat ng makitang duguan ang kamay nito.

"M-mare. Anong nangyari? B-bakit?" nangangatal ko ring sabi sa kanya. Lumapit pa ako sa kanya nun.

"M-mare. A-ng anak mo."

"Anong nangyari sa anak ko?! Anong nangyari, Pola?!"

"Nasagasaan ang anak mo."

Nanghina ako ng marinig ko yun. Ni hindi ko alam kung anong una kong gagawin pagkatapos niyang sabihin yun. Ang anak ko.

Saka lang ako natauhan ng may lumagpas sa aming ambulansya.

"Eritte! Naririnig mo ba ko?! Nanjan na ang ambulansya! Puntahan na natin ang anak mo!!"

Niyugyog ako ni Pola at pinilit na tinayo. Saka lang nanliwanag sa akin ang lahat. Ang anak ko.

Nagsisigaw ako dun para tawagin si Erian at Henry. Si Erian ang nagtulak ng wheel chair ni Henry at tumakbo na ako kung saan ko nakitag huminto ang ambulansya.

Napatakip ako ng bibig ko habang nakatingin sa walang malay na anak ko. Halos lumuhod na ako sa may harapan niya.

Fairytales Do End At 12 [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon