Epilogue

495 45 15
                                    

Epilogue

Lahat ng babae hinangad magkaroon ng prince charming. Lahat ng babae gustong maging masaya. Paano mo nga ba malalaman kung nasaan na yung taong itinakdang makasama mo habang buhay?

Paano kung nakasabay mo na pala siya sa jeep? Paano kung kaharap mo na pala siya pero iniwas mo yung tingin mo dahil may nabangga ka? Paano kung kaklase mo pala siya o katrabaho?

Walang makakapagsabi diba? Pero isa lang ang alam ko kung kayo talaga, kayo talaga hanggang sa huli.

Ang dami kong sinayang na pagkakataon dahil sa mga akala ko at alam kong tama. Kay Joshua umikot ang mundo ko, ni hindi ko alam na may nasasaktan ako ng paulit-ulit.

Masyado akong nabulag sa nakasanayan ko, ni hindi ko man naramdaman na nasa tabi ko lamang si Josiah.

Natapos na ang inakala kong fairytale namin ni Joshua. Akala ko magkakaroon din kami ng happy ending tulad ng mga napapanood ko sa tv.

Pero nakalimutan ko, fairytales don't exist. Walang princess. Walang knight in shining armor. Walang prince charming. Walang happy ending. This is reality.

Masyado akong nabulag. Ni pati sarili kong damdamin hindi ko na alam. Ni pati puso ko hindi ko na alam kung sino ang tinitibok. Teka ang lalim ko na dun ah.

Tama si Joshua. Matagal nang wala ang puso ko sakanya. Matagal na palang ninakaw ni Josiah iyon without me realizing it. It took me long enough to realize how much I love him. Bakit ngayon pa kung kelan handa na siyang pakawalan ako?

"Manong malapit na ho ba tayo?"

"Malapit na iha.."

Saka ko lang nakita na malapit na nga kami. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang kamay ko. Sobrang pawis ng kamay ko dahil sa nerbyos. Nagawa ko pa ngang magrosary eh sa sobrang kaba at panalangin na sana umabot ako.

Binigay ko na ang bayad at hindi na kinuha ang sukli. Pumunta na ako sa loob at hinanap ang lalaking kilalang kilala ko kahit nakatalikod.

"Josiah! Josiah nasan ka?!"

Wala akog pakialam kahit pa pagtinginan ako sa loob. Ako lang ang nakakaalam kung gaano ako kanerbyos ngayon dahil pag hindi ko siya naabutan ngayon, ikamamatay ko.

"Josiah! Wala namang ganyanan! Nasan ka?! Magpakita ka naman sakin oh?!"

Fairytales Do End At 12 [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon