Stars

26 3 0
                                    

Sabi nila, kapag daw na-trace mo ang pangalan ng mahal mo sa mga stars, destined kayo. Pero sa tingin ko, hindi yan totoo. Bakit? Kasi...

[Flashback]

"Ria! Uy! Yung libro mo, eto na. Salamat ha." sabi ni Van. Hiniram niya kasi yung libro ni Ria na The Fault in Our Stars ni John Green. Paborito nilang dalawa eh.

"Ay, sige! You're welcome." sagot ni Ria, kinikilig. Matagal na niya kasing crush si Van. Kaya nang nalaman niyang paborito ng lalaki ang libro, kinausap niya agad ito.

"Treat na kitang lunch. Tara!" yakag ni Van kay Ria. Pa-thank you na rin sa pagpapahiram ng paborito niyang libro.

"Eh? Tsk. Sige na nga." kilig na sagot ni Ria. Nag-usap silang dalawa tungkol sa isa't isa. Napag-alaman nilang dalawa na parehas lang pala sila ng mga interes. Lumipas ang mga araw at naging 'mag-bestfriend' ang dalawa. Pero hindi 'yon nagtagal nang umamin si Van kay Ria.

"Ria... Mahal kita." sabi ni Van nang minsa'y nagpunta sila sa park para mamasyal. "Alam kong masyadong mabilis pero Ria, eto yung nararamdaman ko eh." dagdag pa nito. Ilang segundo pa ang lumipas at hindi pa rin nakasagot si Ria dahil sa gulat at kilig. "A-ah Ria, kahit naman wag ka muna sumagot ngayon eh. Maghihint-" pinutol ni Ria ang pagsasalita ni Van.

"Mahal din kita." biglang lumiwanag ang muhka ni Van sa sinabi ni Ria. Naging sila ng tagpong 'yun. Pero ang relasyon nila ay mabilis na natapos nang malaman ni Ria na 'dare' lang pala kay Van ang panliligaw at pagpapasagot sa kanya. Pakiramdam niya'y pinaglaruan lang siya pero hindi niya ito masyadong iniyakan. Sabi nga ng isang quote, "He's not worth your tears." Lalo na kung ganun siya kagago.

[End of Flashback]

"Bes! Sama ka? Bar hopping tayo!" sabi ni Candice, ang bestfriend ni Ria. Ngayon na kasi ang Christmas break nila kaya naisipan ng magkakaibigan na maggala.

"Ha? Makakapasok ba kayo dun? Ayoko nga! Alam mo namang allergic ako sa alcohol, isasama mo pa ako sa bar." sagot ni Ria kay Candice.

"Hay bes. Sige na nga. Bye! Ingat ka! Labyow!" pasigaw na sagot ni Candice dahil pababa na siya ng hagdan. Si Ria naman ay dumiretso sa veranda at tumingin sa kalangitan na punong-puno ng kumikinang na mga bituin. "V-A-N. I guess I traced the wrong name in the stars..."

-----

Another one shot guys. :D Matagal ko na 'tong natapos, mga 2 years ago. Haha! Hope you enjoyed the story. Feedbacks please. ♥

Wrong StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon