Sino Ako? Hayop Edition

2.6K 24 0
                                    

Sino Ako?

Hayop Edition

--------------------------------------------------

Sawang sawa na akong sumabit,

Pero kailangan kong kumapit;

Kapag ako'y namilipit,

Sa kamatayan ako'y nalalapit

- BUTIKI

--------------------------------------------------

Kapag ako'y napagmasdan,

Kahit nasa kalayuan;

Sila'y natitigilan,

Mga babae ako'y tinitilian!

- IPIS

--------------------------------------------------

May mga mata akong mapupungay

Bisita ako ng iyong bahay,

Ikikiskis ko muna ang aking galamay

Bago makisalo sa inyong tinapay

- LANGAW

--------------------------------------------------

Ako'y sadyang maliit,

Pero 'pag nadale ko ang iyong singit

Makakaramdam ka ng sobrang sakit

Tapos ito'y kakamutin mo ng paulit-ulit

- LANGGAM

--------------------------------------------------

Hindi ako susuko

Responsibilidad aking inaako,

Marami akong pangako,

Pero sa huli, napapako

- PULITIKO

--------------------------------------------------

Tula ng Kalokohan CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon