Sa nalalapit na Halloween,
Ano ang iyong balak gawin?
'Wag ka na mag-abalang mag-make-up,
Dahil ang mukha mo ay sadyang masaklap!
May isusuot ka bang costume?
Pero 'wag ka na mag-assume...
Sa mukha mong kasing puti ng espasol,
Napagkakamalan ka nang nauulol.
Sa dilim lumalabas ang iyong kagandahan,
Sa liwanag? Diyos ko! Ako'y kinikilabutan!
Daig mo pa ang kutis ni Nancy BInay,
Sa pagmamake-up pwede bang ika'y maghinay-hinay?
Minsan ako''y nagtataka na lamang,
May lahi ka bang aswang?
Sapagkat araw-araw ay aking napapansin...
Ang mukha mo'y talagang designed for Halloween.
BINABASA MO ANG
Tula ng Kalokohan Compilation
Poetry"Ang mga sumusunod na nilalaman ay mga tulang pawang kalokohan lamang. Kung ang hanap mo'y konting kasiyahan, makakatulong 'to malamang. Kaya tara na, pogi, maganda o kahit mukhang bilasa. Simulan na natin ang pagbabasa."