Alis Na, Please?

5.2K 39 0
                                    

Sa'yo ako'y naiinis.

Ikaw kasi'y amoy panis.

Pwede ka namang maglinis,

Amoy mo kasi'y ang bangis!

 

Yuck, amoy bulok na mais!

Punasin mo, iyong pawis;

Haaay, pwede bang pakibilis?

Ayoko sa madudungis!


Kagat mo ata'y may rabies,

Kawawa naman 'yong lapis.

Nginatngat mo na ngang labis.

Eh ginapang 'yan ng ipis!


Talagang nakakainis,

Lumayo ka sa akin please?

Hindi ko na kasi matiis.

Dalian mo naman, alis!

Tula ng Kalokohan CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon