Kagandahang Tunay

3.8K 27 1
                                    

 Aanhin mo ang iyong kagandahan,

Kung para lang ito sa pagkuha ng atensyon ninuman,

Hindi rin sa dahilang para ika'y pagkaguluhan;

Ang tunay na kagandaha'y hindi para sa kalandian.

Yung iba, sa mukha ang dami-daming kolorete,

Daig pa ng kapal ng make-up ang balat ni Machete;

Please, teka lang muna Ate,

Tingin ka sa salamin, may mukhang butete!

Mayroon pa nga diyan,

Yung Facebook puno ng larawan,

Tadtad pa sa likes ng kung sinu-sinong kaibigan;

Pero yung picture photoshopped naman.

Ang mga babaeng magandang tunay,

Hindi kailangan ng mga larawang mahahalay;

O 'di kaya sa mukha'y maraming kulay;

Pagpalain sila habambuhay.

Tula ng Kalokohan CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon