Alin, Alin, Alin? Aminin!

6.2K 39 3
                                    

Sa eskwelahan,

May bawat isa'y iba't-ibang kaugalian.

Ikaw, ano ang iyong katauhan?

 

Ikaw nga ba iyong tahimik?

'Yong taong hindi mukhang adik,

Nasa sulok lang at walang imik.

 

Baka ikaw 'yong madaldal?

Lagi ka nalang may angal.

At 'pag break ay 'di nag-aaral.


Lagi ka bang may dalang salamin?

Ikaw iyong kikay kung tawagin,

Magaling 'yan mag-make-up, aminin!


Ayaw mo ba ng grades na matumal?

Edi ikaw 'yong tipong palaaral,

Ang buhay mo'y sa libro nasasakdal.


Ikaw ba 'yonh hindi iyakin?

At kung pumorma sa astigin,

Kaya 'wag na 'wag niyong hahamunin.


Mahilig ka bang manlibre?

parang kandidatong namimigay ng sobre,

Pahingi naman ako nyan dre!

PS: Hindi pa 'to tapos. Naubusan na kasi ako ng ideas.

Tula ng Kalokohan CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon