Kung gusto mong magmahal ng walang luha,
Sabi ko sayo'y doon ka na sa pangit;
Hindi man pinagpala ang kanyang mukha,
Siguradong mararating mo ang langit.
Kahit na siya'y iwanan mo sa pamilihan,
O kaya doon sa matataong lugar,
Tiyak na meron ka pa ring babalikan;
Dahil siya doo'y nagmumukhang beggar.
Kahit na sa kagandaha siya ay dukha,
Pwede 'yang mabawawi sa suot na damit;
Mapipigilang siyang magmukhang bruha;
Iwas-iwassan nalang ang panlalait.
Salat man sa panlabas na kaanyuan,
Hindi naman sila 'yong mga taong liar;
Hindi sila katulad ng iba diyan,
Maganda nga, pero tambay naman sa bar.
Paglipas ng panahon, ating tandaan,
Ang pagiging pangit ay hindi rin hadlang;
Pagkat sa hinaharap ang kagandahan,
'To'y mawawala rin pagtanda, malamang.
BINABASA MO ANG
Tula ng Kalokohan Compilation
Poetry"Ang mga sumusunod na nilalaman ay mga tulang pawang kalokohan lamang. Kung ang hanap mo'y konting kasiyahan, makakatulong 'to malamang. Kaya tara na, pogi, maganda o kahit mukhang bilasa. Simulan na natin ang pagbabasa."