Aanhin mo?

7.1K 58 5
                                    

Aanhin mo ang kagandahan,

Kung utak nama'y walang laman?

Aanhin mo ang lalaking pogi,

Kung 1+1 pa lang ang utak na niya'y tsugi?

Aanhin mo ang seksing babae,

Kung lumandi naman parang bulate?

Aanhin mo ang papang macho,

kung may lahi namang manloloko?

Aanhin mo ang babaeng maputi,

Kung ang habol lang naman niya'y salapi?

Aanhin mo ang lalaking tall, dark and handsome,

Kung katawan mo lang naman ang kanyang inaasam?

Aanhin mo ang kamukha ni Paraluman,

Kung ugali naman niya'y lapastangan?

Iyo itong tandaan...

Hindi lahat ng pisikal na biniyayaan,

Ay may taglay na kabutihan~

Tula ng Kalokohan CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon