Susi Ng Kinabukasan
Sasamahan kita sa iyong pag-aaral
Kumbaga, ako na ang iyong kakambal
Kailan ma'y di ako magiging sagabal
Gagawin ko kung para sa iong ikararangal
Pag pasok sa umaga, huwag akong kalimutan
Para mahubog ang iyong kinabukasan
Ipapasa kita sa kahit anong katanungan
At huwag kang mag-alala ako'y maaasahan
Sa'yo ako'y naging "taken",
Sa iyong magandang buhay ako sang salarin
Huwag ka lang mawawalay sa akin,
Ako ang iyong ballpen!
Pero kapag ako'y sakaling maubos,
Kahit wala kang luhang maibubuhos
Naiintindihan ko naman ng lubos
Huwag mo akong itapon na para bang ihing bumuhos
Tandaan mo ang akin sayo'y pinagkaloob
Kung wala ako, ika'y tataob
Sana naman ika'y may utang na loob
Sa mga ginawa kongkagandahang-loob
BINABASA MO ANG
Tula ng Kalokohan Compilation
Poetry"Ang mga sumusunod na nilalaman ay mga tulang pawang kalokohan lamang. Kung ang hanap mo'y konting kasiyahan, makakatulong 'to malamang. Kaya tara na, pogi, maganda o kahit mukhang bilasa. Simulan na natin ang pagbabasa."