Sana Lalaki Ka Nalang

2.8K 32 2
                                    

Malayo palang, 'yo nang mapagmamasdan;

Ang kaakit-akit niyang kagwapuhan!

Hindi maiwasan na siya’y matitigan,

Makalaglag-panty, sarap panggigilan.

‘Pag nakita ako’y sadyang kikiligin;

Kapag naisip, ‘di na aantukin;

Pero ikaw ay ‘sang lalaking bastusin,

‘Pagkat isip ko’y ‘yong biglang papasukin.

Kailan kaya kita magagawang hagkan?

Ikaw at ang iyong angking kapogian;

Matagal ko na ‘tong pinag-iisipan;

Kailan kaya kita maihahapunan?

Ika’y pangarap na gusto kong abutin;

Kahit na magkano pa ang gagastusin;

Basta ba ikaw ay aking maaangkin!

Balang araw ika’y maiuuwi rin!

Ngunit isang beses nang ika’y sinundan,

Nagulat ako sa iyong pinasukan;

Ako ay lubos na nagugulumihanan!

Ikaw pala ay may tagong kabaklaan!

Nakakaimbyerna, sarap mong kurutin!

Papaano na lang ang aking damdamin?!

Kakainis! Waley nang papangarapin!

Ngayon ay gusto nalang kitang sakalin!!!

O, aking pangarap na biglang nawala,

Nasira lamang ng iyong pagkabakla!

Maglaho ka sana na parang bang bula!

Buhay mo’y matapos tulad nitong tula!!!!!

Tula ng Kalokohan CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon